Matinding baha, hangin: Bagyong Ulysses pinaramdam ang bagsik sa Metro Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Matinding baha, hangin: Bagyong Ulysses pinaramdam ang bagsik sa Metro Manila

ABS-CBN News
Published Nov 12, 2020 03:53 PM PHT
MAYNILA — "Mas maraming pag-ulan... kumpara kay Ondoy."

Ganito inilarawan ng weather bureau PAGASA ang tindi ng ulang ibinuhos ng bagyong Ulysses nang manalasa ito sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon buong gabi ng Miyerkoles hanggang umaga ng Huwebes.

"In terms of pag-ulan natin, ina-assess pa rin natin pero... masasabi nating mas maraming pag-ulan na naranasan dito sa bagyong Ulysses compared kay Ondoy dahil malawak ang bagyo," ani weather forecaster Benison Estareja sa ABS-CBN TeleRadyo nitong Huwebes.

Ang tropical storm Ondoy ay naghasik ng lagim sa Marikina at ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal noong 2009. Nag-iwan ito ng higit 400 patay sa mga lugar na naapektuhan nito.

Nitong Huwebes, hindi maiwasan ng maraming residente sa Marikina na maalala ang Ondoy, lalo't lubog muli sa baha ang maraming bahagi ng lungsod.

Ang marami sa kanila, nagpapa-rescue na dahil sa bubong na na-stranded nang unti-unting umangat ang tubig-baha.

"Kulang na kulang at marami tayong kababayan na takot na takot ngayon. Yung iba may hypothermia na dahil magdamag nabasa, nahanginan," sabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa TeleRadyo.

Bukod sa Marikina, nagbaha rin sa ilang bahagi ng Rizal, Pasig, Bulacan, Pampanga, at ilan pang lalawigan sa Luzon.

Nanalanta si Ulysses mahigit isang linggo matapos mamerwisyo, partikular na sa Bicol region, si super typhoon Rolly, ang pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong 2020.

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na napaghandaan nila ang Ulysses.

Paparating na rin daw ang rescue teams sa mga lugar na lubog sa baha.