KBYN: Kilalanin ang transwoman wrestler sa Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Kilalanin ang transwoman wrestler sa Pilipinas

ABS-CBN News
Published Sep 18, 2022 09:33 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang Pinay transwoman ang nagpapakita ngayon ng kaniyang angking-galing sa mundo ng wrestling.

Dream come true para sa 29 taong gulang na si Chelsea Marie Artiaga ang mapabilang noong 2019 sa hanay ng mga nakikipagbalyahan sa ring.

"As far as I can remember, super fan na ako ng wrestling as a child and I had a dream na talaga to be one of the divas pero I'm not in America, hindi ako American and I'm trans so I had to put it aside na maybe that's not for me and then 2019, nare-lit yung fire and I'm here," kuwento ni Artiaga sa KBYN.

Kahit kilalang pugad ng mga kalalakihan ang wrestling, walang pinipiling kategorya ang larangan na ito.
Kahit kilalang pugad ng mga kalalakihan ang wrestling, walang pinipiling kategorya ang larangan na ito.
ADVERTISEMENT
Bilang isang transwoman, masaya si Artiaga na sa kaniyang munting paraan ay unti-unting makapagbukas ng bagong pintuan para sa mga kabilang sa LGBTQIA+ community.

"I like the idea of women being the bad ass so as a trans person, I like breaking stereotypes. I've been a rapper, when I dance hindi lang pa-pretty dance. So, I like doing things na hindi common for a transwoman. I mean I can do pageants but I still like beating people. Chelsea Marie as a wrestler," ani Artiaga.

Sinisigurado niya na siya ay nasa tamang kondisyon tuwing umaakyat sa ring.

Bukod sa training, kailangan din ang healthy lifestyle para makapagpatuloy sa wrestling.

"Being physically fit and being healthy inside and outside as an athlete. Let say physically, mentally, emotionally pero siyempre mostly physically kasi 'yun ang puhunan so kailangan healthy ka, pagdating sa pagkain. That's your foundation. So, that's important," diin niya.

Pero sa kabila ng kahandaan sa bawat laban, hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na may maramdaman siyang kakaiba sa katawan.

Kaya mas inirerekomenda niya na magsimula ng mas bata pa ang edad.

"Wrestling is a physically demanding sport eh. As we grow old, our bodies become weaker. Alam natin 'pag tumatanda. I'm turning 30, madali na akong hingalin so hindi siya hindrance if you want to be pro-wrestler, you just have to train harder. Extra harder compared to how you should train when you were younger," dagdag ni Artiaga.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Wrestling
Transwoman
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT