KBYN: Kilalanin ang mga Pinoy na higit sa dalawa ang hanapbuhay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Kilalanin ang mga Pinoy na higit sa dalawa ang hanapbuhay

ABS-CBN News
Published Sep 11, 2022 10:23 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa hirap ng buhay ngayon lalo na’t sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, marami sa mga kababayan natin ang hindi lang isa o dalawa ang pinapasok na trabaho para may pantustos sa pangangailangan ng pamilya.

Nang mabaril ang asawa at hindi na makapagtrabaho, iba’t ibang kabuhayan ang pinasok ng 40 taong gulang na si Rochelle Cabanada ng Quezon City.

"Hindi niya po kayang magtrabaho kasi naopera po sa ulo at nahihilo pa po. Tapos ‘yung mata niya po, nagkadiperensya, parang nabulag na 'yung kabilang mata niya," kuwento ni Cabanada sa KBYN.

Ratsada kung maghanapbuhay ngayon si Cabanada.

ADVERTISEMENT
Almusal vendor sa umaga, on-call labandera sa hapon, pasingit-singit sa pagiging online seller, at kung minsan pa ay nagiging repair woman ng mga sira sa bahay.

"'Yung kapitbahay po namin, sabi, 'Babaeng walang kapaguran'. 'Yun po ang sinasabi niya sa akin. Sabi niya, 'O, ano, nandiyan ka na naman. Sa'n ka na naman pupunta?' Itong 'babaeng walang kapaguran', dahil 'yung sunod-sunod nga pong kailangan pumunta sa ganito para maglinis, kailangan mag-deliver ng order na ganu'n po," ani Cabanada.

Ang pagmamahal sa mga anak at asawa ang pinagkukunan ng lakas ng loob ni Cabanada.

Kahit subsob sa paghahanapbuhay, pilit siyang nagpapakatatag para magsilbing ilaw sa tila madilim nilang kalagayan.

Wala rin sa bokabularyo ni Teodolfo Palomeno, Jr. ang salitang pagod.
Wala rin sa bokabularyo ni Teodolfo Palomeno, Jr. ang salitang pagod.
ADVERTISEMENT
Bukod sa pagiging security guard sa Cavite nang 18 taon, kilala rin siya bilang magbobote at nagpipintura.

"Yung sahod ko po bilang security guard, hindi sumasapat bilang gastusin namin sa araw-araw. 'Pag wala akong pasok, nagsa-sideline ako ng mga trabaho para pandagdag-income namin," kuwento ni Palomeno.

Suportado ng misis niya ang kaniyang pagsusumikap, lalo na't nais nilang maging maginhawa ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

"Kami pong dalawang mag-asawa, sa lahat po ng bagay, nagtutulungan po kami para po sa pamilya namin. Kasi ayaw po namin na matulad sila sa amin na lumaking mahirap. Gusto ko po maibigay sa kanila (sa mga anak) 'yung magandang kinabukasan para po pagdating ng panahon, hindi po sila mahihirapan na tulad namin," emosyonal na pagbabahagi ni Gng. Palomeno.

Ang bawat sakripisyo at mga trabahong pinasok nina Cabanada at Palomeno ay magsisilbing paalala na ang mga Pilipino, bigyan man ng patong-patong na problema, sila ay babangon ng isa o higit pang beses para lamang mabuhay ang pamilya.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Raketera
Jobs
Trabaho
Quezon City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT