KBYN: Paano inaalagaan at pinagkakakitaan ang pag-aalaga ng mga buwaya? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Paano inaalagaan at pinagkakakitaan ang pag-aalaga ng mga buwaya?

KBYN: Paano inaalagaan at pinagkakakitaan ang pag-aalaga ng mga buwaya?

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakatatakot mang tingnan dahil sa kanilang pisikal na anyo, lumalagong kabuhayan ng ilan sa ating mga kababayan ang pag-aalaga ng mga buwaya.

Aabot sa 20,000 buwaya ang makikita sa Coral Agri-venture Farm, Incoroporated sa Morong, Rizal.

Ang accredited crocodile farm na ito ang may pinakaramaming inaalagaang buwaya sa buong Pilipinas.

Taong 2000 nang sila ay mabigyan ng mga Philippine crocodile, isa sa dalawang uri ng buwaya na matatagpuan sa bansa, galing sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center.

ADVERTISEMENT

"'Yung Philippine crocodile natin is 'yung endemic. 'Yung salt water crocodile nakikita natin sila sa mga ilog at mga sapa natin, malapit sa tubig-alat. 'Yung isa naman, ang Philippine crocodile natin, makikita natin sa mga fresh water environments papunta sa bundok paakyat," paglalahad ni Rainier Manalo, biologist ng Coral Agri-venture Farm.

Simula noon, nagtuloy-tuloy na ang pagdami ng mga buwaya sa farm hanggang sa umabot na ito sa ilang libong piraso.

Habang lumalaki ang mga buwaya, lumalaki din ang espasyo na kailangan para sila ay maalagaan.

Dahil dito, nagpatayo sila ng isa pang crocodile farm sa Capas, Tarlac para lamang sa mga breeder nito.

Dito ay pinagpapares nila ang mga babaeng buwaya sa isang lalaking buwaya at binibigyan ng panahong maging pamilyar sa isa’t isa hanggang sa magbuntis ang mga ito.

ADVERTISEMENT

"'Yung pares niya tatlong babae, isang lalaki. Mino-monitor namin kung talaga bang nagpe-pair. Twice a month po sila namin pinapakain para ma-maintain po namin 'yung katawan nila, para hindi po sila tumaba. Ang mine-maintain po namin na timbang is 300 kilos. Ang pinapakain po namin ay mga manok, 'yung mga mortality," pagdedetalye ng caretaker ng farm na si Jerwin Rico.

Oras na makuha nila ang tamang sukat at timbang, puwede nang i-harvest ang mga buwaya.

At ang pangunahing produktong nakukuha nila mula sa mga ito ay ang kanilang balat.

"Ang crocodile skin natin dito ay type nito is corodylus porosus. Siya ang mas pinakamahal at pinakamagandang skin sa lahat ng mga crocodile’s species natin sa buong mundo. Kaya ang ginagawa nitong farm na ‘to, nag-i-slaughter tayo ng crocodiles only for skin production, secondary 'yung meat," ani Manalo.

Mula noong 2011, mahigit 40,000 crocodile skin na ang kanilang nae-export sa ibang bansa kung saan ginagawa itong bag, belt, wallet, at iba pa.

ADVERTISEMENT

Maliban sa balat ng mga buwaya, nakita rin nila ang potensyal ng crocodile meat na may kakaibang sarap.

Pinag-aaralan na rin nila at ng Crocodylus Porosus Philippines, Incorporated ang benepisyo na posibleng makuha mula sa dugo at langis ng mga buwaya.

Bahagi ng kinikita ng farm ay napupunta sa konserbasyon ng mga buwaya sa wild para makatulong sa gobyerno.

Mahalaga ito lalo na’t kabilang ang Philippine crocodile sa 'critically endangered species.'

"Sa Palawan pa lang if we compute, meron tayong aabot ng above 10,000 crocodiles in the wild. 'Yung sa Philippine crocodile naman natin na numbers, umaabot lang siya ng 92-200 indviduals in the wild so napaka-konti ng Philippine crocodile natin kailangan natin sila tulungan pa," paglalahad ni Manalo.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, hindi pa ganoon kalago ang crocodile farming sa bansa dahil hindi rin basta-basta ang pagsabak sa ganitong uri ng negosyo.

Subalit ang pagpasok sa industriya na ito ay hindi lamang nakakapangako ng magandang kita kundi makatutulong rin para sa konserbasyon ng ating mga buwaya.

"Gusto natin makita 'yung crocodiles sa wild na magbounce back siya. Kasi ang population na 'yun, gagamitin ng mga communities natin for sustainable livelihood. 'Yung pangalawa naman, sa industry we want to achieve 'yung target natin is more than 5,000 or maybe we can reach 10,000 skins per year," ani Manalo.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.