KBYN: Baha sa Ilang komunidad sa Bulacan at Pampanga, hindi humuhupa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Baha sa Ilang komunidad sa Bulacan at Pampanga, hindi humuhupa

ABS-CBN News
Published Sep 11, 2022 10:23 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi humuhupa ang baha sa ilang komunidad sa Bulacan at Pampanga.

Sa Sitio Nabong, Brgy. Meysulao, Calumpit, Bulacan, ilang taon nang halos hindi iniiwan ng baha ang lugar.

May ilang bahagi ng komunidad ang mistulang 'ghost town' na dahil marami na rin ang mga abandonadong bahay.

Pero ang iba, pinipiling tiisin ang paninirahan sa ganoong kalagayan dahil wala namang ibang mapupuntahan.
Pero ang iba, pinipiling tiisin ang paninirahan sa ganoong kalagayan dahil wala namang ibang mapupuntahan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa isang residente, mahigit tatlong dekada na silang lubog sa baha simula nang pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991.

Ganito rin ang sitwasyon ng Brgy. Mercado sa Hagonoy, Bulacan.

Ang ilang residente dito ang mismong nag-a-adjust sa perwisyo ng tubig-baha.

May pamilya na ginawang pintuan ang bintana sa ikalawang palapag ng bahay dahil lubog na ang pinto na nasa first floor.

"Matagal na po kaming hirap sa araw-araw. Nahihirapan po talaga kami dito lahat, lalo na ho kami. 'Yung mga anak ko, nag-aaral. Sa hagdan na lang po kami dumadaan, sila. Araw-araw po 'yan, hinahatid ng anak kong bunso. Eh ako, hindi na ako makababa kasi malaki po ang tubig lagi," kuwento ng residenteng si Erlinda Gomez sa KBYN.

Aminado si Bulacan Governor Daniel Fernando na hindi madali ang problemang kinakaharap ng kanilang probinsiya pagdating sa baha.

Pero hinahanapan at pinagtutulungan naman aniya ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor ang mga posibleng solusyon sa problemang ito.

"Para po sa kaalaman ng lahat, nagsisimula na po kami ng pag-de-dredge sa mga local river. Noong kamakalawa ay nakipag-usap na po tayo kay Chairman Ang. Nagsimula po tayo ng meeting dahil tiningnan natin kung ano na ang development unang una ng airport. Bakit po tayo nakipag-usap? Well, isa po 'yan sa mga inilatag niya sa atin unang una ay itong mga rivers natin. Ito 'yung inilatag niya noon na magkakaroon siya ng dredging sa mga major river naman. Sabi niya, ipakita niyo sa amin kung ano 'yung aming ide-dredge na major rivers and then 'yung aming mga dredger machine ay nakahanda naman diyan," kuwento ni Fernando kay Kabayan Noli de Castro sa programang 'Kabayan' sa TeleRadyo.

Apektado rin ang isang paaralan sa Macabebe, Pampanga.

Hindi natutuyo ang tubig-baha sa school grounds ng San Gabriel Elementary School.
Hindi natutuyo ang tubig-baha sa school grounds ng San Gabriel Elementary School.
ADVERTISEMENT
Ang mga guro at estudyante, kahit delikado, ay hindi maiwasan ang lumusong sa tubig.

"In my 4 years na ako, yearly, iba iba eh noh. Parang tumataas nang tumataas ang tubig. 'Yung tubig-baha ngayon is tumagal pa. Kahit wala pa 'yung tinatawag na nilang super typhoon, may tubig na. Siyempre po, mahirap kasi marami kaming nagiging issues bukod doon sa tubig, sa baha. We're also concerned doon sa dengue, tapos doon sa leptospirosis din. Buti na lang po, nakahingi kami ng tulong doon sa aming mayor, sa local government, at nakapaghingi po kami ng kahoy na ginawa po naming tulay," kuwento ni Principal Janine Bacani ng San Gabriel Elementary School.

Nagbabantay sa eskuwelahan ang ilan sa mga magulang para masigurong ligtas ang kanilang mga anak.

Pahirapan naman ang transportasyon sa Brgy. San Isidro, Masantol, Pampanga dahil sa lalim ng tubig sa lugar.

Madalas, hindi basta uubra ang maglakad lang nang nakabota.
Madalas, hindi basta uubra ang maglakad lang nang nakabota.
ADVERTISEMENT
Para makapunta sila sa isang lugar ay kinakailangan pa nilang magbangka.

Sa haba ng taon ng pagtitiis, hindi lang bahay kundi buhay ang nababad at nalubog sa tubig-baha.

Pero patuloy na umaasa ang mga residente ng Bulacan at Pampanga na darating din ang panahon na huhupa ang tubig at makatatapak rin ang kanilang mga paa sa ligtas at tuyong lupa.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Baha
Flood
Hagonoy
Calumpit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT