‘Binigla kami’: Opisyal ikinagulat ang pagapapatayo ng BuCor ng pader sa Muntinlupa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Binigla kami’: Opisyal ikinagulat ang pagapapatayo ng BuCor ng pader sa Muntinlupa

ABS-CBN News
Published Nov 29, 2021 02:30 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – “Ito, binigla kaming lahat.”
MANILA – “Ito, binigla kaming lahat.”
Ito ang masasabi ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon tungkol sa pagpapatayo ng mga tauhan ng Bureau of Corrections ng pader sa Katarungan sa Muntinlupa nitong Biyernes ng gabi.

Paliwanag ni Biazon, tuloy-tuloy ang naging koordinasyon nila sa BuCor mula pa noong Marso, nang nagtayo sila ng pader sa Southville 3.

“Mula nung nangyari yung sa Southville, patuloy naman ho ang behind-the-scenes na usapan, at may mga commitments [na] ibinigay na, mula noon magkakaroon na sila ng koordinasyon sa local government para ho maayos ang pag-iimplement ng mga security measures kung kakailanganin.”

“Ngunit ito, binigla kaming lahat. Sa gitna ng gabi, mga 10:30 at night, bigla silang nagtayo ng pader doon, walang pasabi, walang konsultasyon, nothing whatsoever kaya naman masyadong matindi 'yung ginagawa.”

Teachers at the Muntinlupa Nat’l High School Main Campus, which is close to the wall, are concerned over the effect the road closure will have on students once face-to-face classes begin.
A tricycle ride now costs P35, while before jeeps pass thru the school. pic.twitter.com/oTYLM7oC14
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) November 29, 2021

Ayon kay Biazon, idinulog na nila kay Justice Secretary Meynardo Guevarra ang kanilang hinaing.

“Sa ngayon po dinulog kasi namin ‘yan sa mas nakakataas ano, sa Secretary of Justice po na siya namang nangako na kakausapin nila si Director-General (Gerald) Bantag," aniya.

"Kanya-kanyang interpretasyon kasi nung sa pakikipagdayalogo namin sa kanila—ginigiit nila na may kapangyarihan sila, at sinasabi rin naman namin na merong nilabag na mga proseso, kaya 'yun po ay idinulog namin sa mas nakakataas.”

Umaasa pa rin si Biazon na hindi aabot sa demandahan ang ‘di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng BuCor at lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.

“Hanggang sa maaari hindi pa ho pinararating sa labanan sa Korte kasi nga kung puwede madaan muna sa pakikipag-usapan ng pare-parehong mga government officials,” aniya.

“Hindi talaga maganda na ang mga government officials mismo naglalalaban-laban kasi pare-pareho kami, dapat na ang pinaglilingkuran, yung taumbayan. E dito po sa nangyari taumbayan 'yung apektado.”

“So last recourse lang ho talaga kung merong legal action na gagawin,” dagdag niya.

--TeleRadyo, 29 November 2021
Read More:
Bureau of Corrections
pader
Muntinlupa
Muntinlupa LGU
TeleRadyo
Cong. Ruffy Biazon
wall
Gerald Bantag
Muntinlupa wall
Katarungan Muntinlupa
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT