KBYN: Kabayanihan ng 5 Bulacan rescuers | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Kabayanihan ng 5 Bulacan rescuers
KBYN: Kabayanihan ng 5 Bulacan rescuers
ABS-CBN News
Published Oct 09, 2022 09:13 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Natagpuang patay sa iba’t-ibang bahagi ng San Miguel, Bulacan ang rescuers mula sa Bulacan Provincial Disaster risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa kasagsagan ng bagyong Karding noong Setyembre.

Nakilala ang mga bangkay na sina Jerson Lopez Resurreccion, Narciso Robles Calayag, Jr., George Enriquez Agustin, Marby Bautista Bartolome at Troy Justin Papa Agustin.

"May nagmessage po sa akin na lima na raw po 'yung patay na nakita. Kinakabahan na rin ako tapos may sinend po 'yun na ano picture. Nakahiga na lang po siya tapos wala na pong buhay talaga. Alam ko 'yung ano eh katawan niya. Umiyak na po ako nu'n kasi hindi po ako makapaniwala na si Daddy po makakasama sa ganu'ng sitwasyon," pagbabahagi ni Angelica Agustin, anak ng rescuer na si George.

Hindi inakala ng mga mahal sa buhay ng limang rescuers ng Bulacan na sila pa ang malalagay sa alanganin.

ADVERTISEMENT
Maliban sa pagiging bayani ng ating bansa, maituturing ding bayani sila ng kani-kanilang pamilya noong sila ay nabubuhay pa.

At sa kabila ng hindi maitatangging pagdadalamhati, nandoon pa rin ang pagtanggap ng mga naulila na nawala ang kanilang mahal sa buhay sa gitna ng isang misyon.

"Bagama’t kami ay nabigla, dala dala po namin 'yung kaniyang ginawa na kabayanihan para po sa amin," kuwento ng ama ng pumanaw na rescuer na si Marby.

Isang kanta ang ginawa at inialay ng anak ni Agustin para sa ama at sa apat na rescuers na hanggang sa huling misyon ay nangibabaw ang pag-aalay ng sarili para sa iba.

RELATED LINKS:
RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Bulacan rescuers
Typhoon Karding
Bagyong Karding
San Miguel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT