Dating may-ari ng kotse nagulat nang madawit ang pangalan sa PNP-PDEA shootout | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating may-ari ng kotse nagulat nang madawit ang pangalan sa PNP-PDEA shootout

Dating may-ari ng kotse nagulat nang madawit ang pangalan sa PNP-PDEA shootout

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Gulat at pagkabahala ang naramdaman ng isang lalaki nang madawit ang kaniyang pangalan sa sinasabing misencounter sa pagitan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong nakaraang buwan.

Sa panayam sa Teleradyo nitong Lunes, nagulat si Elbert Estores, 36, nang makatanggap ng subpoena sa National Bureau of Investigation ukol sa isang puting kotse na ginamit ng PDEA agents sa engkuwentro.

Apat ang patay at 4 naman ang sugatan sa insidente noong Pebrero 24.

Iginiit ni Estores na isinuko na niya sa bangko ang white Honda City noong 2013 matapos siyang magkaroon ng financial problem at hindi na ito mabayaran.

ADVERTISEMENT

"Nakaka-stress. 'Yong mother ko nagulat [at] na-worried po siya. Sa 7 years, nasa sa'kin parin nakapangalan," aniya.

Kaya agad-agad siyang pumunta sa bangko at humingi ng paliwanag. Iprinisenta niya sa NBI ang ilang dokumento na magpapatunay na matagal nang wala sa kaniya ang sasakyan.

"Paano ho kung magamit 'yong sasakyan sa mga kriminal o terorista. Pangalan ko kasi," aniya.

Ani Estores, tatanungin din umano ng NBI ang bangko kung bakit hindi pa nailipat ang ownership sa sasakyan.

Noong nakaraang linggo, humarap sa NBI ang mga ipinatawag na operatiba ng Quezon City police na nakaengkuwentro ng mga tahuan ng PDEA.

Parehong naninindigan ang PNP at PDEA na lehitimo ang kanilang ginawang mga operasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.