KBYN: Lalaking putol ang katawan bihasa pagdating sa skateboarding | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Lalaking putol ang katawan bihasa pagdating sa skateboarding

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2022 06:00 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakabibilib ang abilidad ng 17 taong gulang na Person with Disability o PWD na si Kevin Almazan.

Kahit halos kalahati lang ang kaniyang katawan, kaya niyang makipagsabayan sa iba nating kababayan pagdating sa skateboarding.

Ipinanganak na walang mga paa si Almazan sa Calamba, Laguna.

"Dati nung bata ako, maraming nanglalait, maraming nang-aasar. Sa bahay lang ako, hindi ako nalabas, kung lalabas man ako, bibili lang ako," kuwento niya sa KBYN.

Tampulan ng tukso at panlalait si Almazan dahil sa kaniyang kalagayaan.

Sa kabila nito, dito siya humugot ng lakas para magpatuloy sa buhay sa tulong ng skateboarding.

"Nagsimula ako nu'n sa may spot sa amin sa Mahogany Villas. May nakita ako du'n lalaking nag-sskate. Sabi niya sa akin bigyan kita ng skateboard skate ka lang lagi, susuportahan kita. Sa skateboard nabuhayan ako kasi siya 'yung naging kaibigan ko," ani Almazan.

Sa gabay ng mga kaibigan at team mates, nakilala na rin siya sa skateboarding community dahil sa mga pinapanalunang kompetisyon.

Dahil dito nagagawa na rin niyang matulungan ang pamilya.

"Sa hirap ng buhay, kahit si Kevin napupwersa na na gumawa ng paraan para sa pamilya namin. 'Yung mga kapatid din kasi niya na matatanda sa kaniya, may mga pamilya nang binubuhay. Naaawa rin ako sa kaniya kasi ganu'n na nga 'yung kalagayan ni Kevin, naoobliga pa siyang tulungan kami. Sobrang proud ako sa kaniya kasi gusto niya rin na natutulungan niya kami. Nagpapasalamat ako sa anak kong ‘yan," pagbabahagi ni Gng. Almazan sa kabutihang loob ng anak.

Kamakailan lamang kinilala ng lokal na pamahalaan ng Calamba si Almazan dahil sa dalang inspirasyon nito sa lugar lalo na sa mga kabataan at sa mga kagaya niyang may espesyal na pangangailangan,

Isang non-government organization o NGO naman ang naghandog ng maagang pamasko para sa kaniya.

Maantig sa nakabibilib na husay at determinasyon niya sa mundo ng skateboarding dito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
PWD
Skateboarding
Calamba
Laguna
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT