Home > Life KBYN: Head chef sa barko gumagawa ng 'homemade jet cars' ABS-CBN News Posted at Nov 27 2022 07:18 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Gumagawa ng tinatawag na 'homemade jet cars' ang 48 taong gulang at head chef sa isang barko na nakadestino sa Europa si Roel Cruz kapag nagbabakasyon sa Pilipinas. Minolde sa mga luxury o sports car ang mga disenyo ng kaniyang prototype jet cars. Mayroon na siyang nabuong tatlong sasakyan na napapaandar na niya sa ibabaw ng tubig. "'Yung paggawa ng molde gumagamit kami ng chemical na fiber glass. 'Yung fiber glass na 'yun, galing sa Japan, ino-order namin sa Japan. Hindi ordinaryong fiber glass ang ginagamit namin kaya sobrang tibay niya.," pagdedetalye ni Cruz sa KBYN. Kung ang mga orihinal na jet ski ay nagkakahalaga ng ilang milyong piso, ang protoype jet cars ni Cruz mas abot-kaya sa halagang P250,000.00. Gusto pang puliduhin ni Cruz ang kaniyang mga prototype jet car para matiyak na ligtas ang paggamit sa mga ito. "Sa ngayon, nasa trial pa rin siya. Gusto kong makuha 'yung safety ng sasakay. Gusto kong matesting sa rough sea, malalaking alon kasi hindi pa namin natitesting sa malalaking alon eh. Dito pa lang (sa ilog). Kung hanggang saan ang capacity niya, gusto kong matest para alam ko 'yung limit," ani Cruz. Alamin kung paano niya naabot ang tagumpay sa kusina at sa makabagong transportasyon dito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro. RELATED LINKS: KBYN: Pagkaing 'pagpag,' basura ng iba ngunit panlaman-tiyan ng maraming pamilya sa Maynila KBYN: Pagpapatattoo sa katawan bakit negatibo ang tingin ng ilan? KBYN: Peacock sa Laguna aabot sa ilang daang libo ang halaga Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, KBYN, Current affairs, Kabayan, Kabayan Noli de Castro, Noli de Castro, Angat River, Hagonoy, Bulacan Read More: Tagalog news KBYN Current affairs Kabayan Kabayan Noli de Castro Noli de Castro Jet Ski Jet Car Angat River Hagonoy Bulacan