KBYN: Pagpapatattoo sa katawan bakit negatibo ang tingin ng ilan? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Pagpapatattoo sa katawan bakit negatibo ang tingin ng ilan?

KBYN: Pagpapatattoo sa katawan bakit negatibo ang tingin ng ilan?

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ang pagpapatattoo ay hindi banyagang konsepto para sa mga Pilipino.

Katunayan ang ating mga ninuno ay nagpapalagay nito bilang simbolo ng kagitingan o karangyaan na bahagi na ng kultura.

Pero sa paglipas ng panahon, ang parehong pagpapatatak ng tinta sa balat ng katawan ay tila biglang pinangilagan dahil sa maling pananaw ng ilan.

"Kasi noong unang panahon ang tattoos kasi na-identify sa mga criminals, mga inmates, mga gang, mga ex-convicts. Tingin nila sa lahat ng mga may tattoo ay negative," pahayag ni Alfred Guevara, dating pangulo ng Philippine Tattoo Artists Guild at founder ng Dutdutan.

ADVERTISEMENT

Bagamat hindi maiiwasan ang negatibong konsepto sa tattoo, umuusbong ito ngayon bilang isang uri ng self-expression.

20 taong gulang lamang nang unang magpadutdut ng tinta sa katawan si Angelo Cruz.

"Ang first tattoo ko is banda dito sa may tiyan. Quotation siya ni Kurt Cobain. 'I’d rather be hated than to be loved.' Ang original kasi niyan ay 'I’d rather be hated for who I am than to be loved for who I am not.' So na-engganyo ako, out of curiosity lang din, kuwento ni Cruz sa KBYN.

Hindi ito nagustuhan ng kaniyang magulang noong una lalo na nang magpalagay na siya ng tattoo sa mukha.

Sa edad niyang 33 taong gulang, may 80 tattoo na ngayon si Cruz sa katawan.

ADVERTISEMENT

"So pagka may tattoo 'yung kabila ko kako 'pag napapatingin ako sa salamin parang kulang and then 'pag may nakikita akong design na gusto ko or 'yung mga design na may meaning sa buhay ko so gusto kong ipalagay," ani Cruz.

Halos puno rin ng tattoo sa katawan ang tattoo collector na si Angelie Pench puwera lang sa kaniyang mukha.

"Buo talaga puwera lang 'yung face. Actually meron ako sa side tapos sa ulo meron din ako. So 'yung face lang talaga sa harap hindi ko siya papalagyan. Pero 'yung sa body ko is covered talaga," paglalahad niya.

Ayon kay Pench, mahirap magpatattoo lalo na sa mga sensitibong parte ng katawan.

Sa kabila nito, wala pa siyang planong tumigil na padamihin at pagandahin pa ang mga tattoo design na meron na siya ngayon.

ADVERTISEMENT

"Dahil sa tattoo, 'yun nga, nakilala ako. Nakapag-work ako. Nakakapag-ipon ako," pagmamalaki niya.

Panoorin ang kabuuan ng kuwento nina Cruz at Pench at ng industriya ng pagtatattoo sa KBYN: Kaagapay ng Bayan.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.