KBYN: “Ako na ang paa mo,” Lalaki isinakripisyo ang pag-aaral makapagtapos lang kapatid na hindi nakalalakad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: “Ako na ang paa mo,” Lalaki isinakripisyo ang pag-aaral makapagtapos lang kapatid na hindi nakalalakad

KBYN: “Ako na ang paa mo,” Lalaki isinakripisyo ang pag-aaral makapagtapos lang kapatid na hindi nakalalakad

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isinakripisyo ng 17 taong gulang na si Jomari Francisco ang kaniyang pag-aaral makapagtapos lamang ang kaniyang kakambal na si Jovic na hindi nakapaglalakad.

Grade 10 student sa Bagbag National High School si Jovic.

Hindi siya nakapaglalakad dahil sa sakit na polio kaya ang kapatid na si Jomari ang kaniyang katuwang araw-araw.

“Malaki ‘yung naitutulong niya kahit ‘yung sinpleng pag-alalay niya, ‘yung mga simpleng paghahatid. Napakalaking tulong na niyan kasi isa siya sa mga dahilan kung bakit ako din nagsusumikap para hindi masayang 'yung mga paghahatid niya. Sukli din," pagbabahagi ni Jovic sa KBYN.

ADVERTISEMENT

Hirap makapagsalita si Jomari. Gayunman, may nasabi ito kay Jovic na umantig sa puso nito.

"Sabi niya ‘Kahit hindi na ako mag-aral hahatid na lang kita. Basta ikaw magtapos,' sabi niya. 'Ako na ang bahala sa’yo, ako na ang paa mo.' Parang ang selfless niya nu'n. Hindi niya na inisip 'yung kung... aasenso ba siya. Basta sinasabi niya lang ‘kahit magtapos ka na 'wag na ako, tutulak na lang kita,'" dagdag ni Jovic.

Limang taon na nang tumigil sa pag-aaral si Jomari kapalit ang makatulong sa kakambal na makapagtapos ng paga-aral.

Bilang sukli sa naging sakripisyo, inaalalayan naman ni Jovic ang kapatid sa pagbabasa at sa pagsusulat.

Hindi man kagaya ng ibang kabataan ang kaniyang kambal, masaya naman si ina ng kambal na si Marivic Francisco sa ipinapakitang pagmamahal at pagmamalasakit ng magkapatid sa isa’t-isa.

Para sa kaniya, naging matagumpay ang pagpapalaki niya sa dalawa.

"Si Jomari gusto ko sana talaga makatapos ng pag-aaral, matuto siya magbasa man lang hindi siya lolokohin pagdating ng araw. Eh siyempre, hindi naman habang buhay buhay ako. Eh kawawa naman siya kung ganoon. Eh si Jovic, kung anong gusto niyang pangarap ay kagaya nu'n," kuwento ni Marivic.

Bilang nalalapit na rin ang kapaskuhan, nakipag-ugnayan ang KBYN sa isang non-government organization o NGO na handang tumulong para maipag-patuloy ng kambal ang kanilang pag-aaral.

Panoorin ang kabuuan ng nakaaantig na kuwento ng magkapatid na Francisco sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.