KBYN: Alamin ang manok na mayabang, manok na tumatawa, atbp. | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Alamin ang manok na mayabang, manok na tumatawa, atbp.

KBYN: Alamin ang manok na mayabang, manok na tumatawa, atbp.

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kilala ang sabong bilang pangunahin at popular na kompetisyon pagdating sa mga manok.

Pero kung ang mga panabong na manok dugo at buhay ang puhunan para mapatunayan ang galing, ang mga 'fancy chicken' kung tawagin, ganda ng balahibo, tindig at kakaibang abilidad naman ang pamantayan para manalo.

Mayabang na manok kung maituturing ang fancy chicken na 'Malaysian Serama,' pinakamaliit na breed ng manok sa buong mundo na may anim hanggang sampung pulgada ang laki.

Ito ang inaalagaan ng ornamental chicken enthusiast na si Ryan de Guzman sa Gapan, Nueva Ecija.

ADVERTISEMENT

Isa siya sa mga unang nagkaroon ng Malaysian Serama sa Pilipinas.

Taong 2005 nang una siyang mag-alaga nito.

"Mayroon akong Malaysian friend na umuwi dito sa Pilipinas para magbakasyon. Since siya ay Malaysian, inoffer niya sakin 'yung Malaysian Serama. 'Yung Malaysian Serama siya 'yung smallest chicken in the world, kaya naging interes ko siya kasi, dahil siya 'yung pinakamaliit, 'yung maintainance niya, mahinang kumain. Madaling i-keep dahil kailangan mo lang ng small space para siya ay alagaan," kuwento ni de Guzman sa KBYN.

Bagamat maliit ang itsura, papalo naman raw sa malaking halaga ang presyuhan nito na aabot sa P25,000.00 bawat isa.

Hindi lang iisang breed ng manok ang pinalalaki ng fancy chicken breeder at hobbyist na si Lope Pajarillaga.

Limampung fancy chicken lang naman ang matatagpuan sa kaniyang lugar sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Isa na rito ang manok na tumatawa, ang tinatawag na 'Ayam Ketawa.'

"Sa Indonesia, hiwalay 'yung competition nito so lahat nu'ng para siyang nasa isang stage na may stand, may mga judges na ire-rate nila o iju-judge nila 'yung ganda at haba o rhythm nung tilaok nung bawat isang manok. Kung sino 'yung may pinakamaganda at pasok sa standard nu'ng ayam ketawa, 'yun 'yung nananalo. Mas mahaba na maganda 'yun 'yung umaangat sa lahat," ani Pajarillaga.

Sa kasalukuyan mayroong humigit-kumulang limang daan ang nag-aalaga ng fancy chicken sa Pilipinas.

Ayon kina de Guzman at Pajarillaga, paangat na ang popularidad nito sa bansa kaya patuloy pa nilang pinag-aaralan at sinasaliksik ang bawat aspeto ng pag-aalaga at pagbi-breed ng mga manok na ito.

"Ako kahit saang anggulo ng hobby naman tini-treat ko naman ang sarili ko as newbie lagi. Open ako na matuto sa mga kasamahan ko sa mga ibang breeders also sa by the book o sa intenet siguro. Hindi naman ako dun sa pinakamaatas pero may alam nako na gusto ko paring iimprove 'yun," ani de Guzman.

RELATED ARTICLES:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.