KBYN: Gold fish aabot sa sampung libo ang halaga | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Gold fish aabot sa sampung libo ang halaga

KBYN: Gold fish aabot sa sampung libo ang halaga

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Aabot sa sampung libong piso ang halaga ng gold fish na matatagpuan sa isang ornamental fish farm sa Guagua, Pampanga.

Iba't ibang klase ng gold fish ang inaalagaan ni Mike Go sa kaniyang 1.5 hektaryang farm.

"Noong bata po po ako mahilig na po ako sa gold fish. Siguro mga around 8 years old. Since 'yung mom ko nag-aalaga tapos nataon na nabreed namin. Normal po siya na nanganak sa aquarium. So, tinry po namin palakihin. Eventually, nu'ng lumaki tinry namin ibenta sa pet shop. Hindi masyado mapresyo," kuwento ni Go kay Kabayan Noli de Castro.

Concrete fish tank o pond ang set-up na ginamit ni Go sa kanilang fish farm. In-adapt nila ang konseptong ito mula sa Thailand.

ADVERTISEMENT

Pagdating sa ornamental fish, mas mainam daw ang ganitong sistema.

May ibang uri din sila ng ornamental fish pero gold fish ang pinakamarami.

Nasa walong klase ng gold fish ang inaalagaan at bini-breed ni Go.

May mga import at meron din na dito na nila naparami.

Ang iba hindi basta-basta makikita at mabibili sa mga pet shops.

Tatlo sa mga ito ang pinaka popular sa kanilang farm, at isinasali sa mga kompetisyon, ang Buffalo Ranchu, Ping Pong at Cow Ranchu.

Madalas ring sumali sa iba't ibang kompetisyon si Go para sa kaniyang mga gold fish.

Katunayan, taong 2000 pa lang ay ginagawa na ang ganitong uri ng paligsahan.

Isa na sa pinakamalaking supplier ng gold fish sa Luzon ang farm ni Go.

Dahil na rin sa karanasan at lawak ng kanilang kaalaman, nakakapag- produce na sila ng magagandang klase at mga hindi pangkaraniwang gold fish na nagkakahalaga ng hanggang P10,000.00 kada piraso.

"Kapag meron kang isda na totally na perfect ka kumbaga walang folds walang anything ‘yun ‘yung mataas ‘yung value," ani Go.

Sa ngayon, tinututukan niya ang pagpapalawak pa ng kanilang farm at ang paggamit ng iba pang pamamaraan para i-level up pa ang pag-aalaga ng mga gold fish.

Umaasa siya na mailalangoy sila ng kanilang mga alaga papalapit sa mas malalaki pang oportunidad.

"'Yun ‘yung ultimate na gusto naming mangyari, to be able to bring fish internationally siguro or sa iba pang lugar para ma-cater natin, maipakita pa natin na ‘yung isda natin sa Pilipinas ay maganda rin," ani Go.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.