KBYN: Tahanan ng mga kababayan nating informal settlers sa Metro Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Tahanan ng mga kababayan nating informal settlers sa Metro Manila

ABS-CBN News
Published Jul 31, 2022 09:38 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Matatagpuan sa Metro Manila ang samu't saring tahanan ng mga kababayan nating 'informal settlers.'

May mga bahay silang nasa ilalim ng tulay, nasa tabi ng ilog, nasa bangketa at sa kung saan pang lugar.

Sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City kung saan madadaanan ang Dario Bridge, natagpuan ng KBYN ang bahay ng ilan sa mga kababayan natin sa ilalim ng tulay na iyon.

Nakilala ng KBYN ang isa sa mga residente doon na si Dolores Pangan na tubong Lipa, Batangas.
Nakilala ng KBYN ang isa sa mga residente doon na si Dolores Pangan na tubong Lipa, Batangas.
ADVERTISEMENT
Dalawang taon na siyang naninirahan sa ilalim ng tulay. Pito sila sa pamilya at nagsisiksikan sa isang maliit na kwarto.

"Noong bata pa ako nakatira kami dito sa 1199 tapos noong dinemolish ho iyon, lumipat kami diyan sa Gamy, may mga bakanteng lote, nagtayo kami ng barong barong," kuwento ni Pangan.

Dahil kwarto nga lang ang naroon, sa gilid ng creek sila nagluluto, naliligo at nagpapahinga.

Bukod sa paminsan-minsang pagyanig sa tuwing may dumadaang malalaking sasakyan, ang agos ng sapa at ingay ng mga sasakyan ang madalas na maririnig.

Ang mga lumulutang na basura at kung ano-ano pang dumi ay normal na nilang tanawin sa araw-araw. Balewala na sa kanila ang mabahong amoy nito.

Para sa mga nakatira doon, ang mga basurang iyon ay may silbi. Ito rin kasi ay parte ng kanilang pangangalakal, kabuhayan nilang mag-anak.

"Pinakamataas sa isang araw ay P150.00. Minsan katulad kahapon P45.00. Wala pang singkwenta. Kahit paano isang kilong bigas rin ang mabibili mo," ani Pangan.

Aminado ang National Anti-poverty Commission o NAPC na may kakulangan sa pagtugon upang mabawasan ang mga kababayan nating naghihirap.

"We lack a coherent approach to poverty eradication. Itong problem ng informal settlers, 'yung i-demolish natin, bigyan sila ng pera, it is a transfer from one slum to another slum area is not the most effective way to answer the problem on housing. Why won't we put a capital ng lot acquisition dito ng 20 or 40,000 per square meter. Ilagay natin sila, made rise building. Bakit? You have trillions of budget in this local government," pahayag ni NAPC Undersecretary Paterna Ruiz.

Ang kalagayan ng mga gaya ni Pangan na bagamat hirap sila sa buhay ay handa pa rin silang bumangon sa kahit anong pagsubok kasama ang pamilya ng buo.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Informal settlers
Squatter
Squatters area
Metro Manila
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT