KBYN: Gamit na mantika at plastik ginagawang eco bricks | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Gamit na mantika at plastik ginagawang eco bricks

ABS-CBN News
Published Jul 24, 2022 10:24 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ginagawang eco bricks ng lungsod ng Marikina at ng Pampanga ang mga gamit nitong mantika at basurang plastik.

Ayon sa household survey na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng kanilang Environmental Management Office, napag-alamang isa sa mga dahilan sa madalas na pagbaha sa kanilang lugar ay ang barado nitong drainage system.

"Kaya pala may ilang mga kalye na nagbabara ang drainage system kasi 'pag nilinis ng engineering nakikita niya puro may mga sebo. Saan ba nila tinatapon 'yung kanilang mga gamit na mantika? Lumabas tinatapon nila ito sa sink nila, sa lababo nila. 'Yung iba tinatapon mismo sa kanal," pagdedetalye ni Oliver Villamena, pinuno ng Marikina City Environmental Management Office.

Dahil dito, gumawa ng programa ang Marikina para gawing kapaki-pakinabang ang mga pinaggamitang mantika sa pamamagitan ng paggawa eco bricks.

ADVERTISEMENT
Nagbabahay-bahay sa labing anim na baranggay ang mga opisyal ng CEMO para kolektahin ang mga mantika.

"Nu'ng una nu'ng wala pa 'to hindi namin alam kung saan namin ilalagay 'yung mga gamit na mantika kasi ang hirap naman itapon sa lababo. Nakakahiya naman itapon mo sa labas. So, nu'ng nagsabi sila na mayroong ganito, 'yun. Nu'ng una bote bote, ngayon ito nakaisip kami na ipunin na lang nang ipunin para isang ano. Inilalagay na lang diyan (sa malaking lalagyan). Kinukuha na lang niya ( ng taga-CEMO)," ani Myrna Baque, residente ng Marikina.

Para naman makagawa ng eco bricks o eco pavers ang lokal na pamahalaan ng Angeles City, Pampanga, hinihimok naman nila ang mga kapampangan na ibigay sa kanila ang mga basurang plastik kapalit ng bigas sa ilalim ng programa nilang 'Walang Plastikan.'

"Nagsimula po 'yung 'Walang Plastikan' dahil nakikita po natin ang problema natin sa waste segregation,' ani Angeles City Mayor Carmelo Lazatin.

Maraming Kapampangan ang natutulungan ng programang ito lalo na ang mga mangangalakal sa lugar gaya ni Virginia Enriquez.

"Apat na taon na po akong nangangalakal. Umaga, hapon. Sa umaga po ang balik ko apat sa umaga, apat sa gabi. sa hapon ganu'n po. Kahit umulan, kahit umaraw nandiyan ako sa labas," kuwento ni Enriquez sa KBYN.

Hangga't nagpapatuloy ang programa, patuloy lamang ang mga gaya ni Enriquez sa pangangalakal para may maiuwing bigas sa pamilya.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Eco bricks
Mantika
Plastik
Marikina City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT