PatrolPH

KBYN: Lalaking may kapansanan, three-point shooter sa basketball

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2022 10:32 PM | Updated as of Jul 20 2022 05:03 PM

Watch more News on iWantTFC

Three-point shooter sa basketball ang 28 taong gulang mula Norzagaray, Bulacan na si Eric Bernabe kahit siya ay may kapansanan.

Isinilang na may club foot si Bernabe.

"'Yung isang kamay ko po isa lang po ang daliri. Baluktot ang paa. Hindi diretso lumakad. Ganoon daw po talaga ang buhay. Kailangan na lang daw po talagang tanggapin. So, tinanggap ko na lang din po kasi po kaya ko naman po 'yung mga ginagawa ng iba," kuwento ni Bernabe sa KBYN.

Naging laman ng social media si Bernabe nang maimbitahan siya ng vloggers na Hoopx Basketball PH kung saan ipinamalas niya ang angking-galing sa 3-point shoot sa basketball.

Naimbitahan rin si Bernabe ng Philippine Basketball Association o PBA para ipakita ang kaniyang natatanging talento kung saan pinarangalan pa siya bilang 'PBA Hero.'

"Isa po 'yun sa nakakaproud na pangyayari po sa buhay ko po," pagmamalaki ni Bernabe.

Malaki ang pasasalamat niya sa pamilya na laging nakasuporta sa kaniya.

At sa mga gaya niyang may naiibang kondisyon, kailangan lang pagkatiwalaan ang sarili.

"Sa mga katulad ko po na may kapansanan, ipagpatuloy lang po nila 'yung buhay nila kasi po sarili din po nila 'yung magiging tagapagtanggol sa huli," ani Bernabe.

RELATED LINKS:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.