KBYN: Bakit nananatiling P2.00 ang lugaw ng isang kainan sa Valenzuela City? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Bakit nananatiling P2.00 ang lugaw ng isang kainan sa Valenzuela City?

KBYN: Bakit nananatiling P2.00 ang lugaw ng isang kainan sa Valenzuela City?

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dalawang dekada nang mabibili sa halagang P2.00 ang isang mangkok ng lugaw ng negosyanteng si Romeo 'Mang Romy' Velasco sa Valenzuela City.

Pero sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bilihin lalo na ng bigas, pangako ni Velasco sa kaniyang mga customer ay mananatili sa abot-kayang halaga ang kaniyang patok na pagkain.

"Hindi. Steady ko muna. Kumikita naman," giit ni Velasco sa panayam sa kaniya ng KBYN.

SIMULA NG DOS PESOS NA LUGAW

Halos 50 taon na ang lugawan ni Velasco. Namulat siyang magnegosyo sa pagtitinda ng bigas.

ADVERTISEMENT

"Ang unang hanapbuhay ko ay magtinda ng bigas. Palibhasa wala naman akong masyadong kapital, naghanap ako ng financer na puwedeng akong pautangin. 'Pag naibenta ko tsaka ko babayaran," ani Velasco.

Dahil nalugi sa pagbebenta ng bigas, may nagbigay sa kaniya ng ideya na magtinda ng lugaw.

Noong 1974, mabibili sa halagang 25 centavos ang isang mangkok ng lugaw ni Velasco sa una niyang puwesto sa McArthur Street.

Itinaas naman niya sa 50 centavos ang kaniyang lugaw noong 1980.

Labindalawang taon makalipas, mabibili sa halagang P1.00 ang kaniyang lugaw at simula 2002 hanggang sa kasalukuyan, nananatiling murang mura pa ring na-e-enjoy ng kaniyang mga customer ang patok niyang lugaw sa P2.00 kada mangkok.

ADVERTISEMENT

"Hindi naman lahat ng tao ay makakayang bumayad ng mahal. Eh lugaw, maglugaw ka gaano karami. Ang unang pumasok sa isip ko siyempre 'yung kapakanan ng tao. Ang katwiran ko basta kumita ako ng may pambili ng pagkain, nakakaraos ako sa maghapon, okay na. Huwag lang ako magkakasakit. Awa naman ng Diyos hindi," pagpapaliwag niya.

Sa loob ng ilang dekada ng pagbebenta ng lugaw, ang lupa na kinatitirikan ngayon ng kaniyang puwesto sa Pio Valenzuela Road ay nabili na niya.

Sa paglulugaw rin niya naitawid ang pag-aaral ng dalawa niyang anak.

Nakatutulong rin ang kaniyang munting hanapbuhay sa kaniyang mga empleyado.

Bagamat maaari siyang tumira kasama ang asawa at anak na nurse sa Amerika, hindi niya magawang iwan ang kaniyang mga suki.

ADVERTISEMENT

"Sa Awa ng Diyos binibigyan pa tayo ng lakas ng Panginoon eh. Ba't kamo? 77 na ako. May kasabihan nga daw eh, 'Pag nagpakain ka ng hayop ay hahaba ang buhay mo eh.' Eh ako hindi hayop ang pinapakain ko eh, tao. Wala na akong pangarap sa buhay. Ang pangarap ko lang makapaghanapbuhay pa ulit ako ng mahaba," ani Velasco.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.