KBYN: Bakit 'gentle giant' ang isa sa pinakamalaking aso na Great Dane? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Bakit 'gentle giant' ang isa sa pinakamalaking aso na Great Dane?

ABS-CBN News
Published Jul 24, 2022 10:20 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Mahigit tatlumpung Great Dane dogs ang makikita sa kennel ng magkaibigang Jose Ignacio at Edison Cham sa Tagaytay City.

Taong 1999 ng bilhin ni Ignacio ang kanilang unang pares ng ganitong breed.

"Malaki tsaka mabait tsaka nu'ng maliit pa ako nakukuwento na sa akin nu'ng mother ko na 'yung lolo ko may mga ganiyang aso. May mga Great Dane siya noon. Iba ibang aso," kuwento ni Ignacio kay Kabayan Noli de Castro.

Nakasisindak man sa paningin pero marami ang giliw na giliw sa tikas ng breed na ito na nagmula sa pa Germany dahil sa malambing nitong ugali.

Nakilala ito bilang nakatatawang cartoon character na aso na si Scooby doo.

"Very friendly. Gusto nila laging kasama 'yung tao. Originally, ang great dane kasi ang purpose is pinapaghunt ng baboy damo, ng wolf sa Europe," ani Ignacio.

Dahil dito, kilala rin ang mga Great Dane bilang 'gentle giant.'

Bagamat malaking aso ito, kailangan maingat pa rin sa pag-aalaga ng ganitong breed dahil kapag mali ang pagpapalaki, puwede itong makaapekto sa kanilang buto.

"Usually ang problema nila 'yung sa bones. Ang Great Dane kasi hindi mo pupuwedeng pakainin ng high protein. Masisira 'yung joints nila. So dapat 'pag papalakihin mo sila dahan dahan," pagpapaliwanag ni Ignacio.

Para kina Cham at Ignacio, higit pa sa pagiging pet o libangan ang naitulong sa kanilang buhay ng pag-aalaga nila ng great dane.

"Nawawala 'yung stress mo sa araw-araw tapos malambing sila sa tao, madikit sila. Gusto nila laging kasama 'yung tao," ani Ignacio.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Dog
Great Dane
Tagaytay City
Germany
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT