KBYN: Hirap at pagsubok sa pagkuha ng pulot o honey | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Hirap at pagsubok sa pagkuha ng pulot o honey

ABS-CBN News
Published Jul 31, 2022 09:33 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Iba't ibang pagsubok ang pinagdadaanan ng mga kababayan nating "mamumuhag" o wild honey hunter bago matikman ang masarap at manamis-namis na pulot o honey mula sa kalikasan.

Sinamahan ng KBYN ang 26 taong gulang na mamumuhag na si Joseph Borce.

"12 years na po na ginagawa ko 'tong pamumuhag na ito, pangunguha ng honey sa mismong gubat sa kabundukan," kuwento ni Borce sa KBYN.

Para makakuha ng pukyutan sa mga puno, kumukuha siya ng mga palapa ng niyog at sinisigaan ang mga ito para magkaroon ng usok.

ADVERTISEMENT
"Siya pong magsusuporta sa'yo sa itaas para hindi ka lapitan ng mga bubuyog, hindi ka rin makagat kaya dapat po palagi kaming may pausok," ani Borce.

Lubhang delikado ang trabahong ito ni Borce. Ilang beses na rin siyang nakagat ng mga bubuyog.

"Hindi lang yata isang libong kisot nakagat sa akin niyan. Itong buong mukha kong ito, namaga ito sa hirap ng makuha laang 'yung honey bee. Pati buhay isasakprisyo, makuha lang. 3 days laang po 'yun pero kung talagang magain ka, aabutin ng isang linggo," pagdedetalye niya.

Mano-manong kinakatas ni Borce ang mga pulot mula sa pukyutan.

Pagkatapos katasin, dalawang beses niya itong sinasala para masigurong malinis ang pulot na makukuha.

NAGLIPANAG PEKENG HONEY
Sa kabila ng hirap ng mga kababayan nating mamumuhag na makakuha ng sariwang honey mula sa kalikasan, naglipana naman ang mga namemeke nito.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Department of Science and Technology - Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI), mataas ang bilang ng pekeng pulot sa merkado.

"Sa kasamaang palad, nu'ng gumawa kami ng study nu'ng mga 1 or 2 years ago, nakita namin ang level ng adulteration sa merkado ay ito 'yung mga local brands ah, naglalaro sa more or less 80% or that is 4 out of 5 na local brands na mabibili mo both sa mga supermarkets, sa grocery store at tsaka sa online markets na local brands ay unfortunately, fake na honey," ani Dr. Angel Bautista VII, Supervising Science Research Specialist ng DOST-PNRI

Kaya naman nananawagan ang ahensyang ito ng pamahalaan na maging mapanuri sa mga honey na nabibili sa mga supermarket at para na rin mapangalagaan ang hanapbuhay ng mga gaya ni Borce.

"Kung may way po kayo na mapatest sa amin 'yung honey ninyo, 'yun ang pinaka-best way so far na paraan para malaman natin kung fake o hindi pero kung wala man, ang pinaka-advise namin ay maghanap po kayo ng talagang trusted ninyo na bee keeper na nakikita niyo talagang nag-aalaga ng bubuyog, nakikita ninyo na totoo 'yung binebenta nila," ani Dr. Bautista VII.

Bagamat peligroso, tuloy tuloy lang si Borce sa kaniyang hanapbuhay dahil maayos naman ang kitaan dito at malaki ang naitutulong sa kaniyang pamilya.

"Maraming nakuha sa akin eh. Meron pong napunta sa bahay kung meron na akong pulot. Ako'y hindi nai-stock-an niyan. Laging ubos," ani Borce.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Pulot
Honey
Pukyutan
Polillo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT