KBYN: Viral lolo na candy vendor nakapagpatayo na ng sariling bahay sa Pampanga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Viral lolo na candy vendor nakapagpatayo na ng sariling bahay sa Pampanga

KBYN: Viral lolo na candy vendor nakapagpatayo na ng sariling bahay sa Pampanga

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakapagpatayo na ng sariling bahay ang nagviral na lolo candy vendor na si Angelito Gino-gino o mas kilala ng nakararami sa tawag na 'Lolo Pops' sa Angeles City, Pampanga.

Naging matunog ang pangalan ni Lolo Pops sa social media dahil sa kaniyang likas na pagiging masiyahin habang nagbebenta ng mga makukulay na lollipop.

"Ang parang pinakadiskarte diyan sa pagtitinda siyempre kapag ikaw ang nagtitinda nakangiti nakasmile ka. Kaya nga may nagsabi sa akin na matanda candy lollipop tapos mamaya sabi ng matanda 'hindi naman ikaw ang binili ko. 'Yung binili ko 'yung ngiti mo sa akin," masayang pagkukuwento ni Gino-gino sa KBYN.

Higit isang dekada na niya itong ginagawa para matustusan ang pangangailangan ng pamilya lalo na ng asawang nastroke noong 2011.

ADVERTISEMENT

[LINK: https://news.abs-cbn.com/lifestyle/06/16/16/viral-pampangas-lolo-pops-spreads-happiness-one-candy-at-a-time]

"Kahit ‘yung misis ko merong sakit, merong karamdaman, stroke, parang doon ako humuhugot ng lakas para sa kaniya. Parang ‘yun ‘yung nagiging inspirasyon ko sa buhay," ani Gino-gino.

Nang tumama ang pandemya noong 2020, nagsara din noon ang pagawaan ng itinitinda niyang lollipop kaya naghanap si Lolo Pops ng ibang pagkakakitaan.

Nang magluwag na ang quarantine protocols, sakay ng kaniyang pedicab, pastillas at polvoron naman ang inilalako niya sa mga eskinita at kalsada.

Sa tulong ng suki niyang estudyante, naglevel-up lalo ang negosyo ni Lolo Pops dahil mabibili na rin ang kaniyang mga paninda online.

ADVERTISEMENT

"Meron po kasi akong negosyo through online. Habang nagba-browse po ako nakita ko po na may nagpost po about kay Lolo Pops na nagtitinda siya ng polvoron tsaka pastillas, medyo struggle po talaga ‘yung pagtitinda and ang dami pong nagcomment na sana meron dito sa Bulacan, sana meron dito sa Manila. And naisip ko po na why not i-enroll ko siya, i-register ko siya sa isang online store para lahat po ng gustong mag-avail ng products niya, madali na lang po, nationwide pa po," kuwento ni Arriane Ocampo, suki ni Lolo Pops.

Katuwang ni Gino-gino sa kaniyang online business ang anak.

Aabot na sa humigit-kumulang 100,000 ang followers ng kaniyang online store.

Sa loob lang ng isang taon, ang dating pinagtagpi-tagping yero at kahoy na barong-barong niyang tahanan, naipaayos na niya at isa nang two-story house.

"'Yung ika nga sa pagtitiyaga nakapagpagawa ako ng bahay na tatlong palapag. Bagamat ganito lang ako na hindi ko sukat akalain, parang panaginip lang, na dati kong bahay na inaanay, ngayon 'pag tingnan mo, 'Nasaan ba? Akin na ba ‘to?' Hindi ko sukat akalain na darating pala ang panahon, magkakaron ako ng gano'n din, ganitong bahay ng 'di ko inaasahan na suporta ng mga tao na nagmamahal," kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon tuloy-tuloy pa rin sa paglalako ng mga kendi si Lolo Pops.

Para sa kaniya, hangga’t kaya ng kaniyang katawan, patuloy siyang magsusumikap.

"'Yung mga suki ko, labis labis ang pasasalamat ko kung wala sila parang lagi kong sinasabi na kayo ang number 1 sa akin. Wala akong Lolo Pops na matatawag kung hindi dahil sa inyo, kayo ang number 1 sa lahat," ani Gino-gino.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.