KBYN: Single tatay na kargador halos hindi na makakita | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Single tatay na kargador halos hindi na makakita

ABS-CBN News
Published Aug 07, 2022 10:23 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Halos hindi na makakita ang isang kargador na solong itinataguyod ang dalawang menor de edad na anak.

Bata pa lamang may problema na sa paningin si Julio Resumen pero lumala ito ilang taon pa lang ang nakararaan.

"'Pag po hindi po umimik talaga, hindi ko alam kung babae o lalaki yung taong kaharap ko. Maliban na lang po kung sa kinatagal-tagal, maaaninaw ko kung mahaba pala ang buhok nito, ay babae siguro ito. Talagang mahirap po sa ngayon ang sitwasyon ko," kuwento ni Resumen sa KBYN.

Nagtatrabaho bilang hornal o kargador sa pier sa Ungos, Real, Quezon si Resumen.
Nagtatrabaho bilang hornal o kargador sa pier sa Ungos, Real, Quezon si Resumen.
ADVERTISEMENT
Inaalalayan siya ng kaniyang kaibigan para maipagpatuloy ang trabaho.

"Nakita ko po si Julio na nakaupo sa isang tabi. Sabi ko sa isip ko po, hindi ito kikita kung hindi ko po aakayin gawa ng may anak din po siya eh kagaya ko kaya tinutulungan ko siya," kuwento ni Nestor Llabres, matalik na kaibigan ni Resumen.

Ilang beses nang nagpapabalik-balik sa doktor sa kanilang lugar si Resumen pero pakiramdam niya walang nagbabago sa kaniyang kondisyon.

Dinala siya ng KBYN sa isang espesyalista para matukoy ang tunay na kondisyon ng kaniyang mga mata.

Ayon sa pagsusuri, mayroong katarata sa kanang mata si Resumen at kondisyon na Retinitis pigmentosa, isang uri ng sakit sa retina ng mata.

"Overtime, magpo-progress talaga 'yung disease 'pag completely na-cover na 'yung buong retina nung disease entity. Hindi na siya makakakita talaga. Hindi siya common na nakikita. Usually pinapanganak na 'yung pasyente na merong ganito. So unfortunately ang problem lang, wala kasi tayong treatment dito sa ganito," pahayag ng ophthalmologist at retina specialist na si Dr. Ralph Anthony de Jesus.

Sa kondisyon ni Resumen, inirerekomenda ng mga doktor ang matibay na suporta at pang-unawa ng pamilya.

Bilang kaunting tulong sa kaniyang pamilya, hinandugan ng KBYN si Resumen ng isang side car para matupad ang hiling nito na makapagbenta ng isda sakaling hindi na nito maipagpatuloy ang pagiging kargador.

"Sa akin pong nalaman, aking ipagpapasaDiyos na lang po ang lahat, lalaban po ako para sa aking mga anak. Sa kanila po ako kumukuha ng lakas para magpatuloy pa." ani Resumen.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Solo parent
single father
Real
Quezon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT