KBYN: Ano ang ornamental fish na 'guppy?' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Ano ang ornamental fish na 'guppy?'

ABS-CBN News
Published Aug 07, 2022 09:20 PM PHT
|
Updated Aug 07, 2022 09:50 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Popular ang gold fish bilang maliit na isdang maaaring alagaan sa bahay pero may isa pang klase na hinahanap-hanap rin ng ating mga kababayan, ito ang 'guppy.'

Aabot lamang sa halos anim na sentimetro ang haba ng mga guppy pero nakaaaliw at nakatutuwa itong alagaan dahil sa tingkad ng kulay at ganda ng hugis nito.

Ito ang pinagkakaabalahang alagaan ng 24 taong gulang na si Rainard Yu, isang business management graduate.

"Nagstart 'yung interes ko noong ECQ. So I think that was March 2020. Siyempre work from home ako, so ang dami kong time manood ng YouTube ganu'n, eh doon ko napanuod 'yung mga guppies. Doon ko narealize na 'yung mga guppies pala, iba-iba 'yung colors, iba-iba 'yung shape ng tails. Sabi ko ok to ah, so tinry ko mag order online," kuwento ni Yu sa KBYN.

Walang siyang malaking lupa o espasyo para sa concrete fish tanks.

Gumawa lang si Yu noon ng isang improvised container para ilagay ang limang piraso niyang guppies.

Nang tumagal sinubukan na rin niya mag-import para makakuha ng ibang strain o klase ng guppies.

"Tinry ko mag-import from Thailand and Vietnam ng mga isda kasi ang gusto ko 'yung ibi-breed ko magaganda para by the time na ibenta ko sila puwede ko sabihin na import quality ‘tong mga isda ko. Noong nakapagproduce nako doon ko na naisip na magstart ng business," pagdedetalye ni Yu.

Bukod sa pagbebenta ng mga guppies, sumasali rin siya sa mga kompetisyon.
Bukod sa pagbebenta ng mga guppies, sumasali rin siya sa mga kompetisyon.
ADVERTISEMENT
Iba't ibang bahagi na ng Pilipinas ang nararating at naseserbisyuhan ng negosyo ni Yu.

Mayroon na rin silang mga inquiries na natatanggap mula sa iba’t-ibang bansa.

Kaya naman patuloy ang pag-aaral at pagtutok ni Yu sa kanilang industriya para mas makilala pa ang Pilipinas pagdating sa guppy breeding.

"Starting this business talaga, ang goal talaga namin was ano kumbaga, mapaganda talaga 'yung level ng market ng Philippines, not just the quality but also the pricing talaga. Kumbaga up there tayo nakikipagsabayan tayo sa ibang bansa. 'Yun talaga ang goal namin. To be at par or even better than other countries," ani Yu.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Guppy
Ornamental fish
Marikina City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT