KBYN: Paano magpatakbo ng negosyo sa hito? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Paano magpatakbo ng negosyo sa hito?

KBYN: Paano magpatakbo ng negosyo sa hito?

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pangunahing kabuhayan ng mga residente ng Bustos, Bulacan ang pag-aalaga ng hito o catfish.

Dalawang dekada na itong kabuhayan ni Vice Mayor Martin Angeles.

"1993 nagstart na akong mag-hito farming pero ang aming inalagaan ay 5,000 pieces lamang, ganu'ng kaunti lang at meron akong kasosyo na pinag-aaralan namin kung papaano talaga mag-hito kasi nu'n pa lang naman dumating sa Pilipinas ‘yan eh," kuwento ni Angeles sa KBYN.

Kilala ang hito bilang 'isdang may balbas'.

ADVERTISEMENT

Dahil sa kanilang hasang at lung-like organs, kaya nilang kumuha ng hangin sa tubig at dahil ito ay matibay, maaari kang mag-alaga nito kahit pa sa likod ng inyong tahanan.

May tatlong uri ng hito na matatagpuan sa Pilipinas – ang Native catfish o Clarias macrocephalus, ang Taiwan catfish o Clarias batrachus at ang African catfish o Clarias gariepinus.

Sa mga nabanggit na species, ang African at Native catfish ang tinatangkilik sa merkado.

Sa isang ektarya, umaabot ng isang milyong piso ang nagagastos ni Vice Mayor Angeles sa pag-aalaga ng mga hito pero oras na ito ay kanilang mapalaki ng 150 hanggang 500 grams ay maaari na nila itong ibenta sa magandang halaga.

"4-5 months harvest na siya. Ganu'n lang siya kabilis kaya du'n sa mga nagne-negosyo na ang gusto ay mabilisan, ito 4-5 months alam mo na kung nalugi ka o kumita," ani Angeles.

Mula sa isang maliit na fishpond ni Angeles noong dekada '90, mayroon na siya ngayong 80 fishpond sa kaniyang 33 ektarya na alagaan ng hito.

Patuloy na tumataas ang market demand sa hito.

Katunayan mas mataas pa sa tilapia ang farm gate price nito kaya naman maraming mga kababayan natin sa Bulacan ang na-e-engganyo na mag-alaga nito.

"Ang lahat naman ng bagay sa paniniwala po ng inyong lingkod ay magiging matagumpay kapag ito ay napag-aralan," payo ni Angeles sa mga nais pasukin ang ganitong klase ng negosyo.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.