KBYN: Grupo tumutulong ibenta ang tanim ng mga magsasaka para di masayang | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Grupo tumutulong ibenta ang tanim ng mga magsasaka para di masayang

KBYN: Grupo tumutulong ibenta ang tanim ng mga magsasaka para di masayang

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Tumutulong ang mag-asawang Ace at Andie Estrada na maibenta ang pananim ng mga kababayan nating magsasaka mula sa iba't ibang probinsya sa bansa.

Sinimulan nila ang Rural Rising Philippines sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Nang makita nilang itinatapon na lamang ng mga magsasaka sa Benguet ang mga tanim nilang carrots at ang mga gulay na libreng ipinamimigay na lamang sa iba, ibinahagi nila sa social media ang kanilang nakita at umani ito ng reaksyon mula sa mga tao.

"Dahil doon nagkaroon kami ng parang calling na masasabi na puwedeng may magawa para sa mga natatapong gulay na ito. Ten years ago, nandoon ako sa Korea na mayroong suporta ang gobyerno at ang civic society sa agrikultura and sabi ko sana magkaroon ng ganoon sa Pilipinas. So, 'yun 'yung nandoon 'yung idea ng Rural Rising and parang push for a movement," ani Ginang Estrada.

ADVERTISEMENT

Gumawa ng public group ang Rural Rising at sa kasalukuyan mayroon na itong mahigit 140,000 na miyembro.

Dito nila ipinopost at ibinibenta ang mga tanim na kanilang binibili mula sa mga magsasakang nangangailangan ng tulong.

Daan-daan na ang napuntahang mga magsasaka ng grupo ng mag-asawang Estrada sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas at dahilan ito para mas lalo pang ipagpatuloy ang kanilang nasimulang adbokasiya.

Para sa magsasaka ng lemons na si Paulina Cipriano, malaki ang tulong sa kaniya ng grupo sa mga gaya niyang nahihirapan maibenta ang mga pananim.

"'Yung time na 'yun hindi talaga namin alam kung saan namin dadalhin ang lemon na 'yun. Naging way 'yung Facebook, 'yung social media, para makita namin 'yung mga post nila sa Rural Rising. Nu'ng nagtry po ako na mag-ask ng help sa kanila, nagpadala po siya ng mga trucks and then binili po tapos binayaran po sa tamang halaga. Umabot na po sa 5 tons 'yung mga order nila," kuwento ni Cipriano sa KBYN.

Masaya ang mag-asawang Estrada sa nabuo nilang adbokasiya dahil sa munti nilang paraan ay nakatutulong sila ng malaki at nagbibigay-saya sa mga magsasaka.

"This is something na na-discover namin accidentally and we're learning pa rin everyday," ani Ginang Estrada.

RELATED ARTICLES:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.