KBYN: Mga magsasaka sa Benguet, nahihirapang ibenta ang kanilang mga pananim | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Mga magsasaka sa Benguet, nahihirapang ibenta ang kanilang mga pananim

ABS-CBN News
Published Aug 15, 2022 12:25 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Samu't saring problema ang kinakaharap ng mga kababayan nating magsasaka para maibenta ang kanilang mga pananim. Nariyan ang hagupit ng bagyo, El Niño, lindol at ang umiiral na pandemya.

Pero nitong nakaraang buwan lang, nadagdagan ang kanilang kalbaryo sa mababang presyuhan ng kanilang ani dahil sa mga smuggled agricultural produce na pumapasok sa ating bansa gaya ng carrots.

"Talagang ganiyan siguro ang trabaho ng farmer. Marami ang bankrupt. Medyo humina ang presyo," kuwento ng magsasaka ng carrots na si Cesar Flores.

Dalawang dekada nang nagsasaka ng carrots si Flores sa Ballay, Kabayan, Benguet pero parang sugal pa rin ito sa kaniya.

Tuwing aani walang kasiguraduhan kung may babalik pa sa kaniyang ipinuhunan.

"'Yung hinarvest ko ngayon may presyo pero hindi naman alam kung magkano ang pagbili niyan. Sabi nila ang carrots ngayon ay singkuwenta ang isang kilo. Sana hindi baratin para may pang-araw-araw, may pantustos naman sa kusina," ani Flores.

Ayon sa presidente ng Eddet Farmers Indigenous People’s Association, Incorporated o EFIPA, problema na noon pa man ang presyuhan ng mga ani nilang gulay.

"Kulang po ang market namin. Ang presyo ng gulay is parang ang may gain doon is 'yung middle man. Mababa ang bili ng disposer sa farmer," paglalahad ni Julie Felix, pangulo ng EFIPA.

Aabot sa anim na piso kada kilo ang presyuhan sa kanila ngayon ng repolyo dahilan para sa magsasakang si Noel Abelardo para hindi na niya anihin pa ang mga tanim.

"Magmula nang magharvest ka, maggastos ka ng pangkain ng mga tao, 'yung sahod ng magbuhat hanggang sa sasakyan tapos 'yung sasakyan naman hanggang doon sa palengke, krudo mahal naman. Kaya naman kapag ganoon ang presyo at wala naman, wala pa rin eh kaya mas maganda pa na hindi mo na ibenta dahil mag-aabono ka pa sa gastos," ani Abelardo.

Nasa walong libong kilo ang dami ng mga repolyong nakatiwangwang ngayon sa sakahan ni Abelardo at ayon sa kaniya, aabot sa mahigit isang daang libong piso ang natalong ipinampuhunan niya.

Ganito rin ang kalagayan ng mag-asawang Marcila at Richard Binay-an na nagtatanim naman ng pencil beans.

Nasa kinse pesos lang ngayon ang kada kilo nito kaya para hindi na gumastos pa sa wala, hindi na nila ito aanihin pa bilang pambenta.

"Hinayaan na lang po namin kasi mababa ang presyo. 'Pag hinarvest, wala na mapupunta sa ano, pamasahe, wala na matitira para sa amin," kuwento ni Gng. Binay-an

Sa Metro Manila umaabot hanggang isang daang piso ang isang bigkis lamang ng pencil beans.

Hindi na bago para sa mga residente ng Kabayan, Benguet ang makakita ng mga nabubulok na pananim sa kanilang mga lupain.

Pero para kay Felix at sa mga kababayan nating magsasaka sa lugar, hindi ito dahilan para mabawasan ang kanilang pagpapahalaga sa agrikultura.

"Mas maganda kasi sa atin kasi organic. Sa packaging, walang naisasamang mga conservative. Organic 'yung gulay namin dito kasi we practice good agriculutural practices," ani Felix.

RELATED ARTICLES:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Magsasaka
Gulay
Smuggling
Benguet
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT