‘Kung sino pa ang wala’: PWD namalimos, nag-donate ng higit P12K sa mga sinalanta ng ‘Ulysses’ sa Marikina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Kung sino pa ang wala’: PWD namalimos, nag-donate ng higit P12K sa mga sinalanta ng ‘Ulysses’ sa Marikina

Job Manahan,
ABS-CBN News
Published Nov 18, 2020 09:28 AM PHT
|
Updated Nov 18, 2020 08:16 PM PHT

MAYNILA — Naantig ang mga netizen nitong Martes nang mag-viral ang mga larawan ng isang PWD dahil sa pag-donate nito ng mga nalimos na higit P12,000 para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina City.

Ayon kay Jasper Justo, isang volunteer sa lungsod sa relief operations at namahagi ng mga larawan, inakala nila na hihingi ng tulong si Romeo Menil o “Mang Romy” na akay-akay ng isang lalaki papasok ng City Hall.

Nagulat daw si Justo at kaniyang mga kasamahan nang ipresenta ni Mang Romy at ng kagawad na akay-akay siya na mula Antipolo, ang P12,390 na ipinalimos niya para i-donate sa pamahalaang lungsod ng Marikina para daw sa mga apektado ng bagyo.

“Itong si Mang Romy Menil... namamalimos po pero hindi po para sa kanya kundi para po pala sa mga nasalanta ng Bagyong [Ulysses] sa Marikina. Nagulat kami lumapit sila Mang Romy at 'yung Kagawad kay Mayor Marcy Teodoro para po makausap at para po daw magbigay ng tulong at personal na i-abot 'yung pera na naipon ni Mang Romy sa kanyang pamamalimos sa kalsada,” ani Justo sa panayam sa ABS-CBN News.

Kuha ang mga larawan mag-a-alas-4 nitong Lunes sa City Hall, ayon kay Justo.

“Hindi hadlang ang karamdaman para makatulong… Imbes na para sa kanyang mga pangangailangan ilaan gastusin ito, bagkus ito ay kanyang ibinigay para sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses,” dagdag niya.

Naantig si Justo sa ginawa ni Mang Romy at sinabing nakaka-inspire ang ginawa nito. Halos maiyak na nga lang daw ang mga nandoon dahil sa donasyon ng PWD.

Makikita rin sa mga larawan na ibinahagi sa ABS-CBN News na pirmado pa ng barangay chairman sa Mambugan, Antipolo ang donasyon.

“[Nakaka-touch] po at halos lahat noong nandun ay medyo naiyak dahil 'yung isang PWD na namamalimos na [akala] natin ay manghihingi ng tulong eh s'ya pa pala 'yung magbibigay ng tulong para sa mga taga Marikina. Sobrang nakaka inspire, na kung sino na ang wala eh s'ya pa ‘yong tumutulong,” sabi ni Justo.

Naantig din daw si Marikina Mayor Marcy Teodoro kay Mang Romy at sinabing sana daw ay gayahin din ng iba ang kanyang ginawa.

“Na-touch din po si Mayor Marcy at pinalapit 'yung mga tao na [nandoon] para marinig at makita 'yung [kagandahan] loob na ginawa ni Mang Romy.”

Galing din umano si Justo sa bahay ni Mang Romy sa Barangay Mambugan sa Antipolo, Rizal at nangamusta.

Nagulat na lang daw ang residente na nag-viral na daw siya sa social media dahil sa kanyang ginawa.

“Habang tayo po ay nabubuhay sa mundong ibabaw maging mabuti po tayo at gumawa po ng tama,” ani Justo.

Umabot na sa 73 ang namatay dahil sa “Ulysses,” ayon sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Martes.

Matatandaang nabulaga ang lungsod ng Marikina sa malawakang pagbaha noong isang linggo dahil sa Bagyong Ulysses.

Para umanong naulit ang bangungot ng “Ondoy” dahil sa walang-tigil na ulan.

Ayon mismo kay Teodoro, lahat ng 16 na barangay sa Marikina ay apektado ng pagbaha noong isang linggo.

Aminado silang hindi nila natantiya na aabutin ng 21.8 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River, dahilan para lumubog sa baha ang maraming bahay at manumbalik ang bangungot noong taong 2009 na dinala ng tropical storm Ondoy.

Read More:
Ulysses
Mang Romy Antipoli
Bagyong Ulysses
Ulysses PH
weather
flooded areas NCR
Marikina
Donation Mang Romy
panglilimos Mang Romy Marikina
Marikina news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT