'Back to zero': Bangungot ng 'Ondoy' nanumbalik sa Marikina dahil kay 'Ulysses' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Back to zero': Bangungot ng 'Ondoy' nanumbalik sa Marikina dahil kay 'Ulysses'

'Back to zero': Bangungot ng 'Ondoy' nanumbalik sa Marikina dahil kay 'Ulysses'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Pinalubog ng bagyong Ulysses ang halos buong bayan ng Marikina nitong Huwebes dahil sa walang-tigil na pag-ulan.

Ayon mismo sa alkalde ng Marikina na si Marcelino Teodoro, lahat ng 16 na barangay ay apektado.

Aminado silang hindi nila natantiya na aabutin ng 21.8 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River, dahilan para lumubog sa baha ang maraming bahay at manumbalik ang bangungot noong taong 2009 na dinala ng tropical storm Ondoy.

'NAKAKAPANLAMBOT'

"Nakakapanlumo. Hay! Oh my god! Sayang 'yung mga gamit namin. Lahat ng gamit. Magsisimula sa zero-balance ulit... Nakakapanlambot. Juskolord. Masama itong 2020. Halos lahat! Nag-pandemic pa," sabi ni Nanay Winnie nang abutan ng ABS-CBN News na naghahakot.

ADVERTISEMENT

Ang kaniyang 3 palapag na bahay kasi, sa loob lang ng isang oras, nalubog sa bahang dulot ng bagyong Ulysses.

Hindi biro ang pag bahang idinulot ng bagyo sa Marikina.

Sa lakas ng agos ng tubig sa Marikina River, ang floating bridge na nakapuwesto malapit sa isang mall, inanod at kalauna'y bumangga sa tulay malapit sa Marcos Highway.

Ang Barangay Tumana, nagmistulang dagat.

Ang bubong ng mga bahay, tila mga islang pilit pinagkakasya ang mga pamilyang gutom at basa na naghihintay na masagip.

ADVERTISEMENT

Nakatuon ngayon ang atensiyon ng Marikina LGU sa pagsagip sa mga taong stranded pa rin sa kanilang mga bahay. Bagay na mahirap lalo’t nananatiling malakas pa ang agos ng ilog.

Maging si Teodoro ay kailangang suungin ang baha para mapuntahan ang kanyang mga kababayan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sunud-sunod naman ang ginawang pag-rescue sa mga na-trap na residente sa Provident Village dahil sa lagpas tao na baha na umabot pa hanggang sa second floor ng mga bahay.

"Nabigla po kami, ang bilis po nu'ng 6 a.m. tumaas. Akala namin simple lang pero mabilis ang pagbaha," sabi ng residenteng si Ronald Mamorno.

Isa ang naturang village sa mga napuruhan sa Ondoy noong 2009.

–Mula sa ulat nina Raphael Bosano at Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.