Sagip Kapamilya maghahatid ng tulong sa nasalantang pamilya sa QC, Marikina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sagip Kapamilya maghahatid ng tulong sa nasalantang pamilya sa QC, Marikina

Sagip Kapamilya maghahatid ng tulong sa nasalantang pamilya sa QC, Marikina

ABS-CBN News

Clipboard

Residents navigate through waist-deep flood as water level rises in Bulelak Street, Barangay Tumana, Marikina City on Thursday. Torrential rains brought by Typhoon Ulysses caused massive flooding in different areas in Metro Manila since Wednesday night as it moved west across central Luzon. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Nakahanda na ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation para tumulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Ulysses sa Maynila.

Ayon kay Jen Santos, ang director for operations ng ABS-CBN Foundation, naka-standby sila para sa mobile kitchen at handa na rin maging ang relief bags na ipamamahagi sa mga nasalanta ng bagyo.

“Inaantabayanan lang natin ang pag-improve ng weather para safe din sa ating team na pumunta. Alam natin may ibang mga lugar na hindi madaanan,” sabi ni Santos sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maraming mga residente, partikular na sa lungsod na Marikina, ang stranded sa mga bubungan ng kanilang mga bahay na nalubog sa baha.

ADVERTISEMENT

Nakikipag-ugnayan na aniya ang Sagip Kapamilya sa iba't ibang barangay sa lungsod ng Quezon at Marikina.

Sa kabila ng pagiging handa, sinabi ni Santos na tumatanggap pa rin sila ng tulong in cash o in kind.

“Sa in kind donations, tinatanggap natin paunang relief tulad ng canned goods, bigas, tubig at mga blankets,” sabi ni Santos.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero hiihikayat nila ang lahat ng nais na mag-donate na tumawag muna sa 3411-4995 para ma-coordinate ang kanilang donasyon sa team na nasa warehouse, lalo na’t mayroon pa ring pandemya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.