Ano'ng mga sanhi ng 'mala-Ondoy' na baha na dala ng Ulysses? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano'ng mga sanhi ng 'mala-Ondoy' na baha na dala ng Ulysses?

ABS-CBN News
Published Nov 12, 2020 10:08 PM PHT

MAYNILA - Sa aerial shot, makikitang lubog sa tubig ang maraming kabahayan sa Marikina dahil sa ulang dala ng bagyong Ulysses sa Metro Manila at iba pang karatig-lugar.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, hindi nila inaasahan na magiging malala ang pagbaha - na inihahalintulad ng ilan sa bagyong Ondoy na tumama sa lungsod noong 2009.

Aminado rin ang LGU na nabulaga sila sa nangyari.

"Nakakapagtaka, dahil ang data analytics namin ay ang forecast at prediction ay aabot lamang ng 18 meters ang water level, pero ito ay nalampasan pa. Maaaring may iba pang pinagmulan ang tubig na naging dahilan ng sobrang pagbaha sa Marikina. Vine-verify namin ang statement ng ilang ahensiya ng pamahalaan na mayroong pinakawalang tubig galing sa dam," ani Teodoro.

ADVERTISEMENT
"Ang Marikina River ay downstream maari mahina pag ulan sa Marikina ngunit kung malakas ang pag-ulan sa kabundukan nakapalibot dito, dito nanggaling tubig na dumadaan sa Marikina River palabas sa Manila Bay," dagdag ni Teodoro.

Paliwanag ni PAGASA Senior Hydrologist Richard Orendain, dala ang pagbaha ng bulto ng direktang ibinuhos na ulan ng bagyong Ulysses sa Marikina, Pasig, bahagi ng Calabarzon, at Central Luzon.

Sinabayan din ito ng patuloy na pagpapakawala ng tubig sa iba't ibang dam gaya ng Magat, Angat, Ipo, at La Mesa.

Umabot sa 120 cubic meters kada segundo ang bilis ng pinakawalang tubig sa Angat Dam.

Nagpakawala naman ng 6,085 cubic meters kada segundo na tubig ang Magat Dam - katumbas ng 200,000 Olympic-sized swimming pool.

Ang Ipo Dam, dalawang gate lang ang binuksan pero umaabot sa 235.4 cubic meters per second ang pinakawalang tubig.

Nagpapatuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang La Mesa Dam, Binga, at Ambuklao Dam.

At kahit tumila ang ulan, nagpaalala si Orendain na hindi pa rin ligtas umuwi sa iniwang bahay ang mga nagsilikas.

"For example sa Pasig-Marikina river basin, ang pinaka-upstream nito 'yung Mount Oro dito sa Rizal Province, halos matagal po travel time niya na umaabot ng 8-9 hours 'yung travel time niya. So may mga tubig pa rin sa bundok," ani Orendain.

Payo ng Office of Civil Defense na pakinggan ang mga payo ng mga awtoridad na lumikas kung kinakailangan.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT