Watch more on
iWantTFC Video courtesy of the Senate.
MAYNILA — Iginiit ng isang senador ngayong Martes ang aircraft modernization sa Armed Forces of the Philippines (AFP), matapos ang pagbagsak ng military helicopter sa Bukidnon nitong Sabado.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa kaniyang privilege speech sa Senado, oras na para bigyang pansin ang naturang modernization.
Ang bumagsak na Philippine Air Force Huey helicopter ay nagresulta sa pagkamatay ng 7 nitong pasahero at crew.
Kahalintulad aniya ito ng insidente noong Nobyembre 2018 kung saan isang Huey helicopter ang nag-crash landing sa Tarlac.
Setyembre naman noong nakaraang taon nang bumagsak ang Air Force Sikorsky air ambulance, at isa pang Huey ang bumagsak noong July.
Sa mga insidenteng ito, 9 aniya ang mga nasawi.
"Senseless deaths" umano ang mga nangyaring ito na naiwasan sana kung na-modernize ang military.
“Modernizing our military, who are among the best and the bravest in the world, a fighting chance in the battlefield… It is the least we can do for our men and women in uniform, who have sworn to protect the State and lay down their lives for it if necessary,” ani Zubiri.
Masyado na kasing luma ang helicopter na 40 hanggang 50 year old na air asset.
Kaya’t panahon na aniya para gawing makabago ang military hardware at equipment, kabilang ang mga air assets.
“[These] are unavoidable accidents if only we were seriously modernizing our military. Our military hardware and aircraft… become the reasons for military deaths simply because these machines are already old, quite run down,” paliwanag ng senador.
Giit pa ni Zubiri, handa ang Senado na makinig sa militar kaugnay sa pangangailangan nila para maisama sa budget sa 2022.
Sa pamamagitan aniya ng modernization ng military ay binibigyan ang mga sundalo ng fighting chance sa larangan ng digmaan.
— Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
Bukidnon crash, Huey helicopter, Armed Forces of the Philippines, military modernization, aircraft modernization, Philippine military, Sen. Migz Zubiri