PatrolPH

Labi ng isa sa mga piloto ng helicopter na bumagsak, dumating na sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2021 05:25 PM

Labi ng isa sa mga piloto ng helicopter na bumagsak, dumating na sa Cagayan 1
Larawan mula sa PIA Cagayan

Dumating na sa Cagayan nitong Lunes ng umaga ang mga labi ni 2nd Lt. Mark Anthony Caabay, ang co-pilot ng bumagsak na military helicopter sa Bukidnon noong Sabado. 

Tumanggap siya ng arrival honors mula sa mga kasamahan sa Philippine Air Force (PAF). 

Sumalubong din ang misis ni Caabay na siya ring tumanggap ng mga dokumento.

Watch more on iWantTFC

Kabilang si Caabay, na tubong Palawan, sa PMA Alab Tala Class of 2018.

Paglalamayan ng 2 araw sa Tuguegarao si Caabay pagkatapos ay ililipad papuntang Palawan para masilayan din ng kaniyang mga kaanak doon.

Matatandaang pabalik na sana ang UH1H helicopter mula sa resupply mission nito nang bumagsak sa Malaybalay City sa Bukidnon. 

Sakay nito ang 7 tao kung saan may 2 piloto, 2 crew members, isang miyembro ng Philippine Army at 2 Citizen Armed Force Geographical Unit members. — Ulat ni Harris Julio 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.