Helicopter nag-crash landing sa Tarlac | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Helicopter nag-crash landing sa Tarlac

Helicopter nag-crash landing sa Tarlac

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 22, 2019 03:55 PM PHT

Clipboard

Ang lugar kung saan nag-crash land ang isang helicopter na lulan ang isang kongresista at pitong iba pa sa Tarlac, Huwebes. Larawan mula sa opisina ni Sen. Ralph Recto

MANILA (4TH UPDATE) - Sugatan ang isang kongresista matapos mag-crash landing ang sinasakyang helicopter sa Crow Valley, Tarlac nitong Huwebes, ayon sa mga awtoridad.

Nagalusan si COOP-NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo, ayon sa paunang ulat mula sa kaniyang chief of staff na si Rene Buendia.

Nagtamo naman ng sugat sa ulo ang piloto ng helicopter habang nabalian naman ng braso ang isang crew, ayon kay Buendia.

Isang Sokol helicopter ng Philippine Air Force (PAF) ang nag-crash ayon sa ulat mula sa Philippine National Police Region 3.

ADVERTISEMENT

Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan, ayon kay Major Aristides Galang Jr., tagapagsalita ng PAF.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang ilan ay dinala sa Clark City Hospital habang ang iba naman ay isinugod sa Philippine Army Training and Doctrine Command Hospital.

Umalis umano ang nasabing helicopter 1:35 ng hapon sakay ang 4 na crew at 8 pasahero.

Ang mga pasahero ay kalahok sa isang "legislative stakeholder engagement activity" sa lugar, ayon sa militar.

Ayon kay Cesar Pareja, dating secretary-general ng House of Representatives na isa sa mga pasahero, nasa maayos na kalagayan siya, si Bravo at iba pang mga kasama na nagtamo ng mga galos.

Hindi pa umano alam ang sanhi ng "air mishap" ayon kay Galang, ngunit sinimulan na raw ng militar ang imbestigasyon sa insidente.

Bagama't hindi ipinagbawal ng Air Force ang paglipad ng iba pang Sokol helicopter, pansamantala munang inaabiso ang pagpapaliban ng biyahe ng mga kagayang helicopter habang iniimbestigahan pa ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.