PANOORIN: Social media, tema ng 'Magpasikat' ng Team Jhong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Social media, tema ng 'Magpasikat' ng Team Jhong

PANOORIN: Social media, tema ng 'Magpasikat' ng Team Jhong

Reyma Deveza,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Responsableng paggamit ng cellphone at social media ang binigyang diin ng "Magpasikat" performance ng Team Jhong nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez para sa ika-14 na taon ng "It's Showtime."

Nitong Biyernes, ipinakita ng Team Jhong kung ano ang epekto nang hindi responsableng paggamit ng social media at cellphone sa buhay ng tao at paano nito naapektuhan ang isang relasyon.

Maliban sa kani-kanilang pagsayaw, isa sa pinakamatinding tagpo ay ang wall-climbing act nina Jhong, Kim at Ion.

Maliban sa mga mananayaw at parkour group ay surprise guest performers din ng grupo sina Bernard Palanca at Janice de Belen.

ADVERTISEMENT

Naging maramdamin naman ang huling bahagi ng pagtatanghal kung saan gamit naman ang kunwaring pagtawag sa cellphone ay nagbigay ng mensahe si Hilario sa kanyang anak na si Sarina.

Humingi naman ng tawad si Chiu sa kanyang ama dahil sa hindi sila madalas na nagkikita, habang inalala ni Perez ang kanyang namayapang kapatid.

Matapos ang kanilang pagtatanghal, nagbahagi rin ang tatlo tungkol sa kanilang konsepto.

"Puro advance technology ang napapanood namin. Sabi ko, 'Kuya Jhong paano ito?' Tapos hindi siya nawalan ng pag-asa. Sabi niya mayroon naman tayong talento at mayroon tayong sariling lakas 'yun na lang ang ilabas natin at saka 'yung puso natin na gusto nating mag-inspire ng madlang people, lalo na ngayon," ani Chiu.

"Mensahe po namin na ingatan niyo po ang paggamit ng salita dahil hindi niyo po alam kung ano ang nagagawa nito sa isip at puso ng ibang tao. Maaring nakagaan sa loob nila pero sa mga taong sinasabihan nila masakit," aniya.

ADVERTISEMENT

"Ang message talaga namin ay gaano ba talaga tayo karesponsable sa paggamit ng telepono. Alam naman natin na ang telepono kambal na natin 'yan, kapag nawala 'yan hindi tayo mapakali, kapag naiwan sa bahay 'yan hindi mapakali, even charger... Pero siyempre ang cellphone din minsan nauubos ang oras natin diyan. Minsan hindi niyo napapansin kinakausap na tayo ng katabi natin, humihingi na pala ng tulong pero tayo tutok sa cellphone. Caption, kapag nag-caption ka sa isang post. Maaring okay sa iyo 'yon sa iba hindi, maaring makaapekto. ... Ang telepono nakakapagpabilis sa buhay natin pero may kaakibat 'yan na responsiibilidad. ...Imbes na ikalat natin ang hate, bakit 'di natin ikalat ang love. Gamitin natin 'yon lalo na sa nangyayari sa atin ngayon. Promise kapag isa sa atin ay gamitin ang puso unti-unti maghihilom ang mundo," ani Hilario.

Pahabol ni Kim: "Saka gusto ko ring ipaalala sa lahat nang gumagamit ng cellphone na kinakain ang oras natin, huwag nating kalikmutan ang oras ng mga taong nandiyan sa harap natin, nandiyan sa tabi natin kasi mas inuuna natin 'yung sinasbai ng ibang tao kaysa sa mga taong mas nakakakilala sa atin lalo na ang mga magulang natin."

Nitong Lunes, nagsimula ang "Magpasikat" sa pagtatanghal ng Team Vhong kung saan binigyang pugay nila ang mga komedyante tulad nina Redford White, Babalu at Dolphy.

Noong Martes ay napanood naman ang pagtatanghal ng Team Karylle na ang tema ay tungkol sa pamilya at pagpupugay din sa mga manggagawang Pilipino.

Sinundan naman ito ng Team Anne nitong Miyerkoles na ang tema ay ang paghilom.

Nitong Huwebes, inabangan din ang Magpasikat performance ng Team Vice na ang tema ay tungkol sa pangarap.

ADVERTISEMENT

Sa Sabado, Nobyembre 11, ay malalaman na kung sino ang mananalo sa Magpasikat.

Para sa Magpasikat 2023, tumatayong mga hurado sina direk Olive Lamasan, aktor na si Tirso Cruz III, OPM veteran Jett Pangan, aktres na si Barbie Forteza, at international artist na si at apl.de.ap.

Related videos:

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.