PANOORIN: Mga komedyante, binigyang-pugay sa 'Magpasikat' ng Team Vhong gamit ang AI | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Mga komedyante, binigyang-pugay sa 'Magpasikat' ng Team Vhong gamit ang AI

Reyma Deveza,
ABS-CBN News
Published Nov 06, 2023 01:32 PM PHT
|
Updated Nov 07, 2023 11:52 AM PHT

MAYNILA -- Nagsimula na ang pasiklaban sa "Magpasikat" para sa pagdiriwang ng ika-14 na taon ng "It's Showtime."

Nitong Lunes, Nobyembre 6, unang sumalang ang Team Vhong nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Isang pag-alala sa mga inidolong komedyante sa telebisyon, radyo, at pelikula ang naging tema ng pagtatanghal ng Team Vhong o JTV.

Muli ring ipinakilala ng tatlo sa mga manonood ang mga komedyanteng sina Redford White, Babalu, at Dolphy, ang kinikilalang Hari ng Komedya.

Sa naging "instant replay" tila nabuhay sina Redford White, Babalu at Dolphy gamit ang AI o artificial intelligence.

Ilan din sa binigyang-pugay ng tatlo sina Apeng Daldal, Ben Tisoy, Cachupoy, Don Pepot, Gary Lising, Ike Lozada, Mang Tomas, Palito, Panchito, Soxie Topacio, at Zorayda.

Naging live naman ang paggamit ng AI ng grupo nina Vhong kung saan napalitan ang kanilang mukha nina Bert Tawa Marcelo, Miss Tapia, Dencio Padilla, Tiya Pusit, Yoyoy Villame, Willie Nepomuceno, Chiquito, Rene Requestas, at German Moreno.

Naging sorpresang bisita naman ng tatlo si Nova Villa bilang si Azon ng "Home Along Da Riles."

"Siyempre dahil 14 years na ang 'It's Showtime,' parang lahat nagawa na natin dito. So nag-iisip kami, ano pa ba ang pwede nating ipakita? Kaya naisip ng team namin na gawin ang AI, dahil nauuso siya ngayon. Pero ang paggamit ng AI ay dapat ginagamit sa tama, hindi sa panloloko," ani Navarro.

"May kaakibat na responsibility ang paggamit ng AI," ani Corpuz. "Actually pati kami sobrang naa-amaze nung ginagawa namin siya, naisip namin na sobrang pwedeng daming mag-abuse ng technology na yon.

"Alay naman ito sa ating mga legendary comedians, Thank you so much," ani Jugueta.

Ilan din sa miyembro ng pamilya ng mga yumaong komedyante tulad nina Blakdyak, Willie Nepumoceno, at Babalu ay nagtungo rin sa studio.

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Navarro sa muli niyang pagbabalik sa "Magpasikat."

"Lahat naman tayo ay darating dito pero siyempre, ayaw naman natin na malimutan tayo ng mga tao. At isa rin, na-miss ko rin 'yung Magpaasikat last year. Kaya at least ngayon ay nakabalik ulit ako para magpasaya ng madlang people," dagdag ni Navarro.

Maliban sa mga host at mga manonood, umani rin ng papuri mula sa mga hurado ng "Magpasikat" ang naging pagtatanghal nina Navarro, Jugueta, at Corpuz.

Bigatin ang mga hurado sa pangunguna ng direktor na si Olive Lamasan. Kasama rin ang batilang aktor na si Tirso Cruz III, OPM veteran Jett Pangan, aktres na si Barbie Forteza, at international artist na si at apl.de.ap.

Sa Martes, ang Team Karylle nina Karylle, Amy Perez, at mga komedyanteng sina MC at Lassy ang nakatakdang magtanghal.

Matatandaang Oktubre 24, 2009 nang unang umere ang "It's Showtime" sa telebisyon.