PANOORIN: Panalangin para sa paghilom, tema ng 'Magpasikat' ng Team Anne | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Panalangin para sa paghilom, tema ng 'Magpasikat' ng Team Anne

PANOORIN: Panalangin para sa paghilom, tema ng 'Magpasikat' ng Team Anne

Reyma Deveza,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- "Let's pray to heal."

Panalangin para sa paghilom ang tema ng pagtatanghal ng grupo nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid sa "Magpasikat" para sa pagdiriwang ng ika-14 na taon ng "It's Showtime."

Nitong Miyerkoles, isang interpretative dance ang ginawa ni Bang sa saliw ng awiting "Stand By Me."

Hinarap naman ni Alcasid ang lula sa kanyang aerial stunt habang inaawit ang "Huwag Kang Matakot" kasama sina Dingdong Avanzado, Nyoy Volante, at Jed Madela.

Isa naman sa pinakamatinding tagpo ay ang aerial spiral dance act ni Curtis kasama ang kanyang kapatid na si Jasmine habang inaawit ni Imogen ang "Fix You."

ADVERTISEMENT

Tinapos naman ng tatlo ang kanilang pagtatanghal sa pag-awit ng isang orihinal na komposisyon ni Alcasid tungkol sa paghilom.

"Alam mo this concept talaga started when noong nagsimula tayong mag-announce 'yung meme, 'yung 'the world is healing.' But habang binubuo namin siya, we realized that there's actually a deeper meaning to it," ani Anne.

"We should pray for healing. Parang with everything that is happening, we wanted to use this platform to reach out to people, to pray for everyone. Everyone has their struggle. Let's pray for healing, everyone needs healing, the world needs healing, we all need healing," dagdag niya.

Ipinakita naman ng mga manonood ang suporta sa Team Anne o Team ARO nang maging top trending topic ang #Magpasikat2023AnneRyanOgie sa X (dating Twitter).

Nitong Lunes, umarangkada ang "Magpasikat" sa pangunguna ng Team Vhong. Noong Martes ay napanood naman ang pagtatanghal ng Team Karylle.

Ang Team Vice Ganda naman kasama sina Jackie at Cianne ang sasalang sa Huwebes. Huling grupo sa Biyernes ang Team Jhong nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez.

Para sa "Magpasikat 2023," tumatayong mga hurado sina direk Olive Lamasan, aktor na si Tirso Cruz III, OPM veteran Jett Pangan, aktres na si Barbie Forteza, at international artist na si at apl.de.ap.

Matatandaang Oktubre 24, 2009 nang unang umere ang "It's Showtime" sa telebisyon.

Related videos:

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.