PANOORIN: 'Magpasikat' performance ng Team Karylle, nagbigay-halaga sa pamilya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: 'Magpasikat' performance ng Team Karylle, nagbigay-halaga sa pamilya

PANOORIN: 'Magpasikat' performance ng Team Karylle, nagbigay-halaga sa pamilya

Reyma Deveza,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Ang halaga ng pamilya ang tema ng naging pagtatanghal ng Team Karylle nina Karylle, Amy Perez, at mga komedyanteng sina MC at Lassy.

Gamit ang augmented reality, sumasalamin din ang naging pagtatanghal ng grupo sa sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino na madalas ay napapalayo sa kanilang pamilya dahil sa trabaho.

Naging pagpapugay rin ito para sa mga manggagawa na inilalarawan bilang mga bayani.

Naging malaki ang bahagi ni Argus na gumanap bilang batang laging naiiwan ng kanyang pamilya na kailangang magtrabaho. Pero gamit ang kanyang imahinasyon at sa tulong ni "Lulu," isang animated character, ay masaya niyang nakakasama ang mga mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

"Lahat tayo medyo guilty sa ganun bilang lagi tayong nagtatrabaho, pero hindi ibig sabihin nun ay we love our family any less, para nga sa kanila ito," ani Karylle.

Ito rin ang unang pagkakataon na sumalang sa "Magpasikat" ang komedyanteng sina MC at Lassy.

Humataw si MC kasama ang P-pop group na BGYO, samantalang nakasama naman ni Lassy ang grupong BINI.

Nakakatuwa naman ang pagpapakita ng galing ni Amy Perez ng tap dance sa saliw ng tugtuging "Shake It Off" kung saan nakasama niya ang impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh.

Nakasama rin ng grupo sina Fana, Fabio, Roselle Nava, at dalawang anak nito. Parte rin ang mga "Showtime" kiddie stars na sina Kulot at Jaze.

Isa rin sa pinakamatinding tagpo ay ang pagsasama nina Karylle, Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Diana Zubiri, o ang mga orihinal na sangre ng sikat na serye na "Encantadia."

ADVERTISEMENT

Naging parte rin ng Team Karylle ang aktor na si David Licauco na siyang voice actor ng animated character na si "Lulu."

Para sa "Magpasikat 2023," tumatayong mga hurado sina direk Olive Lamasan, aktor na si Tirso Cruz III, OPM veteran Jett Pangan, aktres na si Barbie Forteza, at international artist na si at apl.de.ap.

Sa Miyerkoles, ang Team Anne nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid ang magtatanghal.

Matatandaang Oktubre 24, 2009 nang unang umere ang "It's Showtime" sa telebisyon.

Read More:

Team Karylle

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.