Mga nagtitinda ng manok sa palengke, umaaray sa mahinang benta | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nagtitinda ng manok sa palengke, umaaray sa mahinang benta

Mga nagtitinda ng manok sa palengke, umaaray sa mahinang benta

ABS-CBN News

Clipboard

Malaking perwisyo ang kaso ng bird flu sa Pampanga at Nueva Ecija para sa mga nagbebenta ng manok sa Nepa Q mart sa Quezon City.

Kuwento ng tinderang si Lisa Lababo, mula P150 na presyo ng whole chicken, ngayon ibinebenta niya na lang ito ng P110 pesos.

Ang choice cuts naman, gaya ng wings at drumstick na nasa P160 noon, ibinebenta na lang ng P140 kada kilo ngayon.

Ayon kay Lababo, sa 30 taong pagbebenta niya ng manok, ito ang kauna-unahang pagkakataong biglang bumaba ang presyo ng kaniyang paninda.

ADVERTISEMENT

Aniya, apektado rin ang iba niyang kasamahang nagtitinda ng manok sa pagbaba ng presyo nito.

Dagdag pa ni Lababo, kung dati-rati, 200 manok ang nabebenta niya sa maghapon, ngayon suwerte na kung makabenta siya ng 75 manok.

Maging ang mga suki niya raw kasi, ayaw munang bumili ng manok kahit pa tiniyak niyang galing Bataan ang kaniyang paninda at hindi mula sa mga apektadong lugar sa Pampanga at Nueva Ecija.

Hiling niya, sana tuluyan nang mawala ang isyu nitong bird flu.

Unang idineklara ang bird flu outbreak sa bayan ng San Luis, Pampanga.

Isinailalim sa 'quarantine' ang mga manok sa San Luis, saka pinatay pati mga panabong at itik sa lugar, at hanggang sa mga lugar na nasa 1-kilometer radius ang layo mula sa San Luis.

Nasa 7-kilometer radius naman ng San Luis ang idineklarang controlled area sa Pampanga.

Nitong Biyernes, Agosto 18, kinompirma ng Department of Agriculture na may bird flu na rin sa dalawang bayan sa Nueva Ecija.

Nauna nang tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas pa rin kumain ng manok at itlog, basta naluto nang maigi.

Siniguro rin ng ilang restawran na nagbebenta ng lutong manok na ligtas mula sa bird flu ang pinagkukunan nila ng supply ng manok.

Ayon din sa DOH, wala pang naitalang kaso ng taong nahawa ng bird flu rito sa bansa.

-- May ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.