Bird flu sa Nueva Ecija, kumpirmado; quarantine ipinatupad | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bird flu sa Nueva Ecija, kumpirmado; quarantine ipinatupad

ABS-CBN News
Published Aug 18, 2017 03:03 PM PHT
|
Updated Aug 19, 2017 12:01 AM PHT

2ND UPDATE
Kinumpirma ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ngayong Biyernes na may avian influenza o bird flu na sa mga bayan ng Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.

Ito ay matapos ang serye ng mga laboratory test sa mga pugo at manok na nakuha sa mga farm sa mga nasabing bayan.

Apektado umano nito ang isang puguhan sa Jaen at isang manukan sa San Isidro na may 20,000 manok.

Gayumpaman, hindi muna masabi ni Jaen Mayor Sylvia Austria kung may kaso ng bird flu sa kanila. Hihintayin daw muna nila ang resulta ng confirmatory test mula sa Bureau of Animal Industry.

Ayon kay Austria, isang farm lang ang naitalang namatayan ng pugo.

"Sa barangay Imbunia, may 9,000 na quail na namatay at 'yon lang pong lugar na 'yon ang namatayan. Ang Imbunia po ay may 35 farms at may 100,000 na quail na alaga; 9,000 po ang namatay dun sa isang farm na yun," sabi ni Austria.

Ayon sa may-ari ng puguhan na si 'Crisanto', nagsimulang mamatay ang kanyang mga alagang pugo noong Agosto 6, at noong Biyernes, Agosto 11, naubos ang lahat ng 9,000 alaga niya.

Tiniyak naman ni Piñol na umaaksiyon ang mga awtoridad upang kontrolin ang pagkalat ng virus. Giit niya, bago pa man ang confirmatory test ay nagsasagawa na sila ng quarantine measures.

"Even before the confirmation, we have already executed the quarantine measures, just as we did in San Luis, Pampanga, gumawa na rin tayo ng firewall. 'Yong 1-kilometer radius, kailangan ma-eliminate 'yong fowl, 7-kilometer radius, di puwede lumabas 'yong manok, itik... Even before the confirmatory test ay gumagawa na ng aksiyon para ma-contain ito," ayon kay Piñol.

Kinumpirma ng kalihim nitong Biyernes ng umaga sa kanyang panayam sa Failon Ngayon ng DZMM ang kaso ng pagkamatay ng mga manok o poultry sa Nueva Ecija.

Nagnegatibo naman aniya sa bird flu virus ang bayan ng Aliaga, Nueva Ecija.

"Yes, I am confirming, there are reported incident of poultry deaths in Jaen and San Isidro, Nueva Ecija... Pero 'yung Aliaga lumabas na 'yong test na negative [sa bird flu]."

Ayon pa kay Piñol, ang nag-ulat ng pagkamatay ay 'yong mismong mga farmer sa lugar, at ang mga lokal na opisyal ng Nueva Ecija.

"Kasi aware na nga sila (farmers) sa nangyari sa San Luis, (Pampanga) so noong napansin nila na nagkakamatayan din 'yong kanilang mga manok, nag-report na kaaagad sila," paliwanag ni Piñol.

Ngayong linggo, kinatay na ang may 600,000 na mga ibon sa mga farm sa San Luis, Pampanga.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng 'strict quarantine' sa bayan, habang nananatili pa rin ang shipment ban ng poultry products mula Luzon patungo sa iba't ibang parte ng bansa bilang aksiyon ng agriculture department na maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Bantay-sarado ng Coast Guard ang mga pantalan sa Luzon, lalo na sa pier sa Batangas at Sorsogon para walang makalusot na mga manok at itik. Kukumpiskahin ang mga mahuhuling may dalang kahit na anong ibon kung wala itong shipping permit at health certificate.