Jollibee, Max's, iba pang kompanya, may tiniyak sa gitna ng bird flu outbreak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jollibee, Max's, iba pang kompanya, may tiniyak sa gitna ng bird flu outbreak

Jollibee, Max's, iba pang kompanya, may tiniyak sa gitna ng bird flu outbreak

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 15, 2017 12:33 AM PHT

Clipboard

Nilinaw ng ilang malalaking kompanyang nagbebenta ng mga produktong manok na hindi sila apektado ng bird flu outbreak sa Pampanga.

Ayon sa Jollibee, ligtas ang kanilang mga manok.

Wala ni isa sa kanilang mga supplier ang nasa loob ng apektadong lugar sa Pampanga.

Para rin masiguro ang kalidad at supply ng kanilang mga manok, nakakalat sa buong bansa ang kanilang mga supplier na piling-pili rin.

ADVERTISEMENT

Pahayag ng Jollibee: "Jollibee Foods Corporation (JFC) - the parent company of Jollibee, Mang Inasal and Chowking - is not affected by the reported avian flu incident in Pampanga and assures the public that all its poultry products across its brands undergo strict quality standards and are safe for consumption."

Tiniyak din ng Max's group na walang dapat alalahanin ang kanilang customers dahil hindi sila kumukuha ng supply sa Pampanga.

Galing Visayas ang karamihan sa mga manok, na idine-deliver sa mahigit 600 restawran nila.

"We are closely coordinating with our suppliers and they assured us that the poultry they are delivering to us are regularly tested for influenza," ani Paul Cheah, ang Compliance/Investor Relations Manager ng Max's Group, Inc.

Ayon naman sa San Miguel Foods, Inc., na may-ari ng Magnolia Chicken, agad nilang isinailalim ang kanilang mga manok sa mga pagsusuri at nagnegatibo sa bird flu.

"There are also no manifestations of any symptoms of the disease or any abnormal increase in mortality that are being observed," ayon sa pahayag ng San Miguel.

Dagdag pa nito, istriktong sumusunod sa global standards ang mga poultry farm nito.

Siniguro rin ng Bounty Agro, na nasa likod ng Bounty Fresh at Chooks to Go, na hindi sila apektado ng bird flu.

Ayon din sa Bounty Agro, may taga-Department of Agriculture na naka-puwesto sa lahat ng pasilidad nito para tiyaking ligtas ang mga produkto.

Base sa datos ng 'Organisation for Economic Co-Operation And Development', kumokonsumo ng mahigit 11 kilong manok ang bawat Pilipino kada taon. Daig nito ang naitalang konsumo ng manok ng India, Indonesia, at Thailand.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, pinakamalaking supplier ng manok ang Central Luzon, kung saan napapabilang ang Pampanga.

Pumapangalawa rin ang manok sa karne ng baboy pagdating sa dami ng isinu-supply sa bansa.

Samantala, nakatakdang katayin ng mga awtoridad ang nasa 200,000 manok, itik, pugo at kalapati mula sa anim na farm na apektado ng bird flu sa San Luis, Pampanga.

Ipinagbawal na rin ang pagluluwas ng poultry products mula sa 7-kilometrong "controlled zone" sa nasabing bayan.

-- Ulat ni Michelle Ong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.