Suplay ng manok normal, presyo bumababa sa gitna ng bird flu outbreak: DTI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suplay ng manok normal, presyo bumababa sa gitna ng bird flu outbreak: DTI

Suplay ng manok normal, presyo bumababa sa gitna ng bird flu outbreak: DTI

ABS-CBN News

Clipboard

Suplay ng manok normal, presyo bumababa sa gitna ng bird flu outbreak: DTI
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nanatiling normal ang suplay ng manok habang bumaba ang presyo nito sa ilang lugar sa gitna ng bird flu outbreak na tumama sa San Luis, Pampanga, ibinahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) Lunes.

"Kahapon, noong nag-ikot ang aming mga monitor, walang problema sa supply. At ang presyo, in fact, may nagsasabi na bumaba," sabi ni DTI Undersecretary Ted Pascua sa panayam ng DZMM.

"Kasi sabi nila, parang may takot ang tao na kumain ng manok ngayon."

Patuloy aniyang mag-iikot ang DTI sa mga pamilihan upang bantayan ang presyo ng manok at tatanggap ng mga kaugnay na reklamo sa hotline 751-3330.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang katayin ng mga awtoridad ang nasa 200,000 manok, itik, pugo at kalapati mula sa 6 farm na apektado ng bird flu sa San Luis.

Ipinagbawal na rin ang pagluluwas ng poultry products mula sa 7-kilometrong "controlled zone" sa naturang bayan.

Sa pag-iikot ng ABS-CBN News sa Balintawak Market sa Quezon City, naobserbahang bumaba na sa P120 ang dating P140 hanggang P150 na presyo ng kada kilo ng manok.

Kinalahati na rin ng ilang nagtitinda ang kanilang kinukuhang supply.

Sinabi naman ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na nagbawas na rin ng nasa 40 porsyento ng supply ang kanilang mga miyembrong supermarket.

Hindi naipapasa sa mga tao ang Type A Sub-Type H5 strain ng bird flu na naobserbahan sa San Luis.

DZMM TeleRadyo, 14 Agosto 2017

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.