ALAMIN: Paano makakaiwas sa bird flu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano makakaiwas sa bird flu

ALAMIN: Paano makakaiwas sa bird flu

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko Lunes kaugnay ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Abiso ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag, pwede namang kumain ng manok basta't lutuing mabuti upang mamatay ang anumang bacteria o virus na posibleng naka-kontamina rito.

Nilinaw naman ni Tayag na wala pang naitatala sa buong mundo na kaso ng bird flu infection dahil sa pagkain ng kontaminadong manok.

Gayunman, sinabi ng opisyal na maaaring mailipat ang virus sa mga nag-aalaga ng manok sa pamamagitan ng direct contact.

ADVERTISEMENT

Hinikayat ni Tayag ang publiko na obserbahan ang proper hygiene at wastong paghuhugas ng kamay para makaiwas sa impeksyon.

Dapat din aniya kumunsulta sa doktor sakaling maramdaman ang mga sintomas ng bird flu tulad ng ubo, mataas na lagnat, at pananakit ng kasu-kasuan at lalamunan.

Nakatakdang katayin ng mga awtoridad ang nasa 200,000 manok, itik, pugo at kalapati mula sa 6 farm na apektado ng bird flu sa San Luis.

Ipinagbawal na rin ang pagluluwas ng poultry products mula sa 7-kilometrong "controlled zone" sa naturang bayan.

DZMM TeleRadyo, 14 Agosto 2017

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.