Ligtas bang kumain ng itlog sa gitna ng bird flu outbreak? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ligtas bang kumain ng itlog sa gitna ng bird flu outbreak?

Ligtas bang kumain ng itlog sa gitna ng bird flu outbreak?

Hershey Homol,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 14, 2017 11:50 PM PHT

Clipboard

Reuters

Bukod sa mga ibon, maaari ring tamaan ng bird flu ang mga itlog na galing sa mga may sakit na manok.

Katunayan, ipinagbabawal din ang pagbiyahe ng itlog mula sa San Luis, Pampanga na sentro ng bird flu outbreak sa probinsiya.

Pero tiniyak ni Dr. Eric Tayag, director ng Department of Health - Bureau of Local Health Systems Development, na ligtas pa ring kumain ng itlog at manok, basta niluto nang maayos ito.

"Kapag hard-boiled ang itlog, puwedeng kainin," ani Tayag. "Ligtas naman pong kumain ng itlog at manok, basta tama po ang pagluto natin."

ADVERTISEMENT

Sa panayam sa DZMM, ipinaliwanag ni Tayag na mas mainam kung hindi 'sunny-side up' ang pagluto sa itlog dahil maaaring malasado o hindi ito gaanong maluto.

Nilinaw din ni Tayag na wala pang naitatalang kaso ng taong nahawa ng bird flu sa Pilipinas o kaya'y nagkasakit sa pagkain ng manok na may bird flu.

Mas banta rin ang bird flu para sa mga nag-aalaga ng mga manok na tinamaan nitong sakit.

"Ang pagkakaroon ng bird flu na maaaring mahawa [ang] mga tao ay di mangyayari sa pagkain ng manok, kundi sa pag-aalaga ng manok na may sakit o kaya'y namatay," paliwanag ni Tayag.

Para naman mapawi ang pangamba ng publiko sa pagkain ng manok, pinangunahan ni Department of Trade and Industry Undersecretary Ted Pascua ang pagkain ng nilutong manok sa isang restawran.

Nagkaroon din ng boodle fight ng iba't ibang putaheng may sangkap na manok at itik sa Candaba, Pampanga para patunayang walang bird flu sa kanilang lugar.

Lagpas din sa 7-kilometer radius na controlled area ang Candaba.

-- May ulat nina Alvin Elchico, Raphael Bosano, at Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.