Kahun-kahong itlog na tinangkang ipuslit palabas ng Pampanga, nasabat | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kahun-kahong itlog na tinangkang ipuslit palabas ng Pampanga, nasabat

Kahun-kahong itlog na tinangkang ipuslit palabas ng Pampanga, nasabat

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 13, 2017 09:31 PM PHT

Clipboard

Tinangkang ipuslit ng ilang poultry owners ang kahun-kahong itlog ng pugo, manok, egg trays at iba pang poultry products palabas ng San Luis, Pampanga.

Pero naharang ito kaninang umaga sa animal quarantine checkpoint.

Mahigpit kasing ipinagbabawal ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagbiyahe ng manok mula Luzon papunta sa ibang parte ng Pilipinas dahil sa bird flu outbreak.

Target patayin ang mahigit 100,000 manok kasabay ang iba pang poultry products na maaring maging sanhi ng pagkalat ng bird flu virus.

ADVERTISEMENT

Nagsimula ang culling at depopulation ng manok kahapon sa nasa 10,000 chicken layers sa poultry farm sa Barangay San Carlos sa bayan ng San Luis.

Isinilid sa sako ang mga manok, nilagyan ng carbon monoxide gas, saka ibinaon sa hukay.

Hindi na rin muna nagtitinda ng manok sa palengke ng San Luis.

Sa Cebu, mahigpit ding mino-monitor ng Department of Veterinary Medicines and Fisheries ang mga nagtitinda ng manok mula sa mga palengke, supermarket, hanggang sa ihawan ng manok.

Kapag napatunayang galing sa Luzon ang tindang manok, kukumpiskahin ito kahit may permit.

-- Ulat ni Kate Cunanan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.