ALAMIN: Nangyayari sa katawan kapag hindi nakikipagtalik | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Nangyayari sa katawan kapag hindi nakikipagtalik

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2017 12:06 AM PHT
|
Updated Dec 04, 2017 06:58 PM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
Tinalakay ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM ang mga nangyayari sa katawan kapag hindi nakikipagtalik, gayundin ang epekto sa katawan kapag regular na nakikipagtalik.

"Mayroong mga tinatawag na sintomas na nangyayari sa katawan mo kapag ikaw ay nakipag-lovemaking, o ikaw ay nakipag-sex," ani Marquez.

Aniya, kabilang sa mga puwedeng maranasan matapos makipagtalik ay ang pananakit ng ari at ang pagdurugo mula sa puwerta.

"Puwedeng 'ay, may masakit' or tinatawag diyan in medical terms 'dyspareunia,'" paliwanag ng doktor. "Because of some abrasion on the vaginal area... then it can cause pagdurugo... Kung walang blood, parang may stinging effect, parang may burning effect... puwedeng may nagasgas."

Maaari ring makaranas ng pangangati sa ari na nakaaapekto sa pakiramdam tuwing umiihi.

Isa pang puwedeng maranasan matapos ang pakikipagniig ay ang kakaibang amoy sa ari.

"It can happen, funny smell... remember that [vagina] is acidic," paliwanag ni Marquez. "Ang seminal fluid ay alkaline, any exposure to an alkaline fluid exposed to your acidic environment. Masisira po ang normal environment ng vagina...If that happens, mayroong different smell there."

Payo ni Marquez, ipatingin agad sa doktor kung sakaling maging mabaho na ang amoy dahil maaaring sintomas na ito ng impeksiyon.

Dagdag ni Marquez, may nari-release ding hormone tuwing nakikipagtalik kaya may tinaguriang "glow" matapos makipagniig.

"You look good after sex," ani ng doktor. "May oxytocin po na nari-release during sex. Is that bad? No, that is very very healthy... Kapag nagkaroon ng true orgasm, ang matres, ang uterus nagko-contract, the more oxytocin hormone will be released."

Tinalakay rin ni Marquez ang nangyayari sa katawan kapag piniling huwag nang makipagtalik.

"What happens to your body when you stop having sex? You might have a wet dream or two," sabi ni Marquez.

Maaari ring tumaas ang stress level kapag hindi na nakikipagtalik pero aniya, puwede rin namang idaan sa ibang paraan ang pagpawi ng stress, tulad ng pag-eehersisyo, paglabas kasama ng mga kaibigan, at iba pang aktibidad.

Dagdag ni Marquez, puwedeng maapektuhan din ang immune system dahil humihina ang produksiyon ng isang klase ng hormone na nagpapalakas sa sistema ng katawan kontra sakit.

"This hormone, 'yong DHEA (dehydroepiandrosterone), actually gives your immune system a boost," paliwanag ni Marquez.