Bakit 50% lang ng kababaihan ang nasisiyahan sa pakikipagtalik? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit 50% lang ng kababaihan ang nasisiyahan sa pakikipagtalik?

ABS-CBN News
Published Jul 04, 2017 05:08 PM PHT
|
Updated Jul 04, 2017 09:07 PM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambata ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
Bakit kalahati lamang ng kababaihan ang totoong nasisiyahan sa pakikipagtalik o nagkakaroon ng 'orgasm'?

Hindi nakararanas ng orgasm ang lahat ng babaeng nakikipagtalik, ayon kay Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang ‘Private Nights’ sa DZMM.

“May pag-aaral na ang babae, 50% lamang nagri-reach ng true orgasm. Karamihan po ay fine-fake nila,” ani Marquez. “Ang orgasm, ‘yan ang stage 3 ng human sexual response ng babae kapag nakipagtalik… Kung walang desire, walang arousal, hindi nag-lubricate, walang clitoral erection, hindi mag-o-orgasm.”

Kadalasan, hindi nagkakaroon ng orgasm ang babae kapag nagkaroon ng ‘premature ejaculation’ o unang ‘nilabasan’ ang katalik. Maaari ring kulang sa ‘foreplay’, o mga aktibidad na maaaring magpatindi o magpatingkad ng seksuwal na karanasan, bago ang aktuwal na pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae.

ADVERTISEMENT
Hindi rin daw nawawari ng lalaki kung totoong nakaranas ng orgasm ang kanilang partner. Ani Marquez, may mga palatandaan ang tunay na orgasm sa babae.

“[May] rhythmic contraction of the pelvic muscles… [may] facial grimace… and the cervical mucus mas marami dapat, at mas maganda sana kung mayroong ejaculation, then that will be true orgasm,” paliwanag ni Marquez. “True orgasm, umuungol, di sumisigaw na parang nanganganak, parang nanginginig… nakangiwi ang mukha.”

Dagdag pa ni Marquez, tulad ng lalaki, puwede ring magkaroon ng ‘female ejaculation’ kapag nasa estado ng sobrang arousal ang isang babae.

May dalawang klase rin ng orgasm—clitoral orgasm kung ang clitoris ang na-stimulate at vaginal orgasm kung ang Gräfenberg spot o ang G-spot ang na-stimulate.

Kaya naman payo rin ni Marquez para mas ‘mapaligaya’ si misis sa pagtatalik, dapat maglaan ng mas mahabang panahon si mister sa ‘foreplay’. Ipinaliwanag din ni Marquez kung paanong mahahanap ang G-spot, partikular na ang ‘Skene’s gland’ na itinuturing na prostate gland ng babae. Kapag na-stimulate iyon, lumalaki ng tiyansa na mag-orgasm ang babae.

“Located sa anterior wall ng vagina,” paliwanag ni Marquez sa kinaroroonan nito. “Kapag nakahiga ang babae, nasa itaas na bahagi ito [ng looban ng ari].”

Paliwanag din ni Marquez, mas tumatatag ang relasyon ng mag-asawa kapag tinitiyak ni mister na nakararanas ng orgasm si misis.

“Make love all the time so you can build up your ‘bonding’ hormone,” ani Marquez. “You make your wife orgasmic, it’s important, if she is having true orgasm, she will have more of the ‘bonding’ hormones.”

Kaya kalaunan, kahit matanda na at wala nang kakayahang magtalik, nananatiling maganda raw ang relasyon ng mag-asawa dahil nakapuhunan na ng ‘bonding’ hormones.

Muli naming paalala ni Marquez sa mga mag-asawa, tiyakin pa rin ang responsableng pagtatalik at matutong magplano ng pamilya.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Private Nights
Dr. Lulu Marquez
G spot
female ejaculation
orgasm
kalusugan
sexual health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT