ALAMIN: Mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik

ALAMIN: Mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 16, 2017 04:02 PM PHT

Clipboard

Bukod sa HIV/AIDS, maraming mga iba pang impeksyon na maaring makuha sa pakikipagtalik na maaring maging sanhi ng iba't ibang kumplikasyon.

Ayon kay Dr. Gilbert Yang, ang genital warts, gonorrhea at syphilis ang tatlo sa pinakakaraniwang mga sexually transmitted infections (STIs) na nakukuha ng mga tao.

Madalas na hindi kaagad lumalabas ang sintomas ng mga sakit na ito.

Ang genital warts ay mga kulugo o butlig na tumutubo malapit sa ari ng babae o lalaki.

ADVERTISEMENT

Kung hindi maagapan, maaring maging sanhi ng cervical cancer ang genital warts sa mga babae dahil pareho ang virus na nagiging sanhi ng genital warts at cervical cancer.

Ang gonorrhea naman, o mas kilala sa tawag na "tulo," ay maaring maging sanhi ng pagkabaog sa mga babae.

Maari ring maging sanhi ng chlamydia ang gonorrhea sa mga babae.

Paliwanag ni Yang, madalas na wala ring sintomas ang gonorrhea sa mga babae.

"Walang specific na amoy ang discharge from gonorrhea and chlamydia," aniya.

Ang mga pasyenteng may syphilis ay maaring magkaroon ng sugat malapit sa ari.

"Painless genital ulcer. There's a sore, may sugat sa may ari ng lalaki o sa babae na hindi masakit. Hindi napapansin at 'yan ang primary stage," ani Yang.

Kapag hindi naagapan, maaring lumabas ang mga pantal o sugat sa ibang bahagi ng katawan.

"Ang secondary stage, lumalabas na sa balat, kung ano ano. Sa palad, sa palms and soles, sa katawan. Para siyang rash," dagdag ni Yang.

Maari ring maging sanhi ng kumplikasyon sa ibang bahagi ng katawan ang syphilis.

"Kapag hindi pa siya na-detect o hindi nagamot, maaring maging tertiary syphilis. Yan ang syphilis na maapektuhan na ang puso, ang utak," ani Yang.

Madalas na binibigyan ng antibiotics ang mga nagkakaroon ng STI. Maari ring magpabakuna laban sa human papillomavirus (HPV) para makaiwas sa genital warts at sa sakit.

Payo ni Yang, panatilihin ang malusog na pangangatawan para makaiwas sa mga sakit.

"Kapag malakas ang resistensiya ng isang tao, walang tatalo sa malakas na immune system. Your immune system can take care of the infections themselves," aniya.

Mahalaga rin umanong gumamit ng proteksyon kung hindi maiiwasan ang pakikipagtalik.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.