'Tulo' sa ari, nakabubulag? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tulo' sa ari, nakabubulag?
'Tulo' sa ari, nakabubulag?
ABS-CBN News
Published Nov 09, 2017 06:56 PM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambata ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Maaaring mauwi sa pagkabulag kung maihaplos o maihawak sa mata ang impeksiyon mula sa gonorrhea, o ang tinatawag na "tulo" sa ari, ayon sa isang eksperto.

Ang gonorrhea ay isang impeksiyong naisasalin sa pakikipagtalik at karaniwang naaapektuhan nito ang ari ng babae’t lalaki. Maaari ring maapektuhan ang rectum o tumbong o kaya’y lalamunan.

Sa programang "Good Vibes" sa DZMM, nagbabala ang dermatologist na si Dr. Marcellano Cruz na matapos makipagtalik sa taong may tulo, kung siya ay "nilabasan" o nagkaroon ng "discharge" na nahawakan ng katalik na nagkuskos din ng mata kalaunan, maaaring maka-impeksiyon ito ng mata at humantong sa pagkabulag.

“Minsan nakikipagtalik tapos minsan hindi naghuhugas ng kamay, biglang nangati ‘yong mata, [hinawakan ‘yong mata]... Puwedeng makabulag pa ‘yon,” ani Cruz.

ADVERTISEMENT
Dagdag pa niya, nagsisimula ito sa pamumula ng mata tulad ng ordinaryong sakit pero hindi ito tinatablan ng ordinaryong gamot dahil lunas para sa gonorrhea ang dapat ibigay.

“Namumula muna. Gonococcal, red eye disease. Namumula, parang ordinaryong sakit sa mata pero kung bigyan mo ng gamot, ayaw tumalab kasi ordinaryong gamot ‘yung binibigay mo hindi talaga para sa gonorrhea,” ani Cruz.

“Kapag napabayaan po, puwedeng mauwi sa pagkabulag,” dagdag pa ni Dr. Luisa Puyat.

Bukod sa maaaring makabulag ang gonorrhea o tulo sa mismong may impeksiyon, maaari rin nitong maapektuhan ang sanggol ng isang inang may "tulo."

“Nakakabulag pati iyon sa bata kasi paglabas sa puwerta ng bata sa mother, puwedeng mayro’ng infection ‘yung nanay… Paglabas ng bata, may ipinapatak na agad sa mata para ma-prevent ang pagkabulag,” ani Cruz.

Maliban sa pagkabulag, kamakailan lamang ay nagbabala rin ang mga eksperto na maaari ring maging sanhi ng pagkamatay ang gonorrhea.

Pero ayon kay Cruz, maaari namang maiwasan ang pagkakaroon ng gonorrhea sa pamamagitan ng paggamit ng proteksiyon kapag nakikipagtalik, at pagkonsulta agad sa doktor kapag nakaramdam ng pangangati ng ari, pagsusugat, at pagkakaroon ng discharge na maaaring sintomas na ng sexually transmitted infection.

Read More:
DZMM
Good Vibes
gonorrhea
tulo
sexually transmitted infection
kalusugan
health
Tagalog news
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT