KBYN: Sinagasaang street sweeper sa Parañaque City, kumusta na ang kalagayan?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Sinagasaang street sweeper sa Parañaque City, kumusta na ang kalagayan?
ABS-CBN News
Published Oct 09, 2022 10:25 PM PHT

Himalang maituturing ng pamilya ng 64 taong gulang na street sweeper na si Doreen Bacus na ito ay buhay pa matapos sagasaan ng isang SUV sa Parañaque City noong Setyembre 24 Sabado.

"Hindi ako maniwala na maligtas pa siya. Wala na, wala ng pag-asa kasi bulagta na siya. Isang araw kalahati, hindi nagkamalay 'yan. Anak ko panay iyak dahil nagkaroon pa ng impeksyon ang ulo niya," pagdedetalye ni Eddie Bacus, asawa ni Doreen.

20 taon nang tagawalis sa kalsada si Bacus.

"Maliit pa ang mga anak ko, nagtatrabaho na 'yan eh. Hindi ko nga 'yan pinagtatrabaho noon pero pilit niya talagang magtrabaho para makatulong. Kahit maliit lang ang sahod nakakabayad din kami sa tubig, ilaw," ani G. Bacus.

Limang araw na nakulong ang sumagasa kay Gng. Bacus pero nakalaya rin ito nang magpiyansa.

Ibinahagi ng traffic enforcer sa lugar ang sinapit ng senior citizen na street sweeper.

"Napadaan ako diyan. Nakita ko siya dito nakabulagta na. Wala na siyang tainga tapos wala na siyang kamalay-malay talaga. Ang dami ng dugo," pagbabahagi ng barangay traffic enforcer na si Isabel Verdida Donor.

Sa kuwento ng mga anak ni Bacus, dalawang beses nag-agaw-buhay ang kanilang ina habang nasa ospital.

"'Yung pinakanabugbog po sa kaniya is 'yung dibdib niya. Lagi niya po hinaing sa akin is 'yung paghinga niya. Nahirapan po siya huminga tapos minsan sinasabi niya sa akin na hindi niya na po kaya, na hirap na hirap na siya. Sinasabi ko, 'Ma laban ka kasi hindi namin kaya na mawala ka na ganu'n ganu'n lang," kuwento ng anak nito na si Jade.

Inoperahan kamakailan lamang si Bacus sa natamo nitong pinsala sa ulo, ang natanggal na kaliwang tainga, ang natapyas na kanang pisngi at nabaling dalawang daliri sa kaniyang kaliwang kamay.

Matapos ang operasyon, may binanggit si Bacus sa anak na ikinagulat ng buong pamilya.

"'Jade nakita ko mismo 'yung Panginoon habang inooperahan ako nasa tabi ko siya. Ang sabi sa akin ng Panginoon na hindi kita pababayaan. Ibabalik kita sa kanila na maayos ang pakiramdam mo.' Doon po talaga nangilabot po kaming magkakapatid habang kinikuwento niya 'yun," pagbabahagi ng anak nito.

Sa kabila ng trahedyang sinapit, pagpapatawad ang nangibabaw kay Bacus.

May ilang mabubuting loob ang nagpaabot na ng tulong sa pamilya.
May ilang mabubuting loob ang nagpaabot na ng tulong sa pamilya.
ADVERTISEMENT
Sa kasamaang palad, nalimas ang donasyong perang natanggap ng pamilya sa kanilang e-wallet na nagkakahalaga ng aabot sa P76,000.00

Kailangang magpagaling ng husto ni Bacus kapag pinayagan na siya ng mga doktor na makauwi.

Nananawagan ang pamilya sa mga gustong magpa-abot ng tulong.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa kanila, maaaring magpadala sa kanilang bank account:

BPI account
Jade Bacus
4169 6616 51
Jade Bacus
4169 6616 51
RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Street Sweeper
BF Homes
Parañaque City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT