Ilang truck driver, delivery rider, plano na huminto sa pamamasada | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang truck driver, delivery rider, plano na huminto sa pamamasada

Ilang truck driver, delivery rider, plano na huminto sa pamamasada

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Maaaring huminto na sa pamamasada ang ilang mga truck driver at delivery rider dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, ayon sa pinuno ng National Public Transport Coalition.

“Hindi po [ito] tigil-pasada,” paliwanag ni Ariel Lim. “Kusa po na talagang hihinto dahil po, gaya ng sinasabi namin hindi na po kaya.”

“Kahit po anong gawin, gustuhin man po namin maglingkod sa ating mga pasahero, sa ating mga kasama sa hanapuhay ay hindi na po namin kakayanin dahil po sa taas nga po ng presyo ng krudo at gasoline,” aniya.

Ayon kay Lim, hindi sakop ng fuel subsidy ang mga drayber ng truck. Ang mga delivery rider naman, kuwento niya, ay hindi pa nakatitiyak kung saan makakakuha ng ayuda.

ADVERTISEMENT

Pero bukod pa dito, sabi ni Lim, hindi nila nakikita ang pamimigay ng ayuda bilang pangmatagalang solusyon sa problema ng pagsirit ng presyo ng krudo.

“Alam niyo ho, kung kukuwentahin natin yung pong P6,500 eh, sa ilang araw lang po wala na po yan eh. Ibig sabihin, hindi po yan yung tunay na solusyon para po dito sa mahabaang pagtaas ng presyong petrolyo,” aniya.

Dagdag pa ni Lim, “Ang una ho naming hinihingi talaga eh yun pong excise tax dahil doon po namin gustong makita kung magkano ang mababawas kung sakaling matatanggal ang excise tax."

Kuwento niya, may mga drayber nang hindi na pumapasada sa ilang lugar sa Mindoro, Marinduque at Carcar sa Cebu.

“Ang amin pong paglabas ay para ipaalam sa pamahalaan na may problema na at baka po pag hindi nila ito naaksyunan sa mabilis na paraan ay baka po magising tayo isang araw, wala pong truckers, wala na pong jeepney, wala nang taxi.”

Ayon kay Lim, baka hindi na kayanin ng mga drayber ang isa pang oil price hike sa susunod na linggo.

“Binibigyan po namin ang pamahalaan ng hanggang linggong nato, na sana maaksyonan nila, kasi po isang taas pa ho sa susunod na linggo, totally po wala na. Totally po talaga titigil na kami.”

Dagdag pa niya, “Kusa pong titigil yung mga kasamahan namin dahil hindi na po talaga kakayanin. Wala nang mauuwi sa pamilya.”

--TeleRadyo, 15 March 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.